Chapter 15

2.5K 41 14
                                    

Isang malamig na umaga ang sumalubong sakin dulot ng napakalakas na ulan.

Napayakap ako sa sarili ko nang humambalos sakin ang malakas na hangin.

Sabado pala ngayon kaya may pagkakataon uli ako para bisitahin siya sa kanilang bahay.

Mabilis kong kinain ang aking almusal at saka ako naligo at nag-ayos ng sarili.

Pagkatapos ay agad na akong lumabas ng bahay dala ang aking bisekleta at mga libro.

Buti nalang at tumila na ang ulan.

Pagdating sa burol ay lubak lubak na ang daan kayat minabuti ko nalang na maglakad.

Nakarating ako sa bahay nila pasado alas diyes.

Walang mababakas na tao sa loob ng kanilang bahay.

Naiwang nakabukas ang kanilang pintuan kaya pumasok nalang ako.

Wala siya sa may sala.

Umakyat ako ng hagdan at hinanap siya sa may kwarto niya.

At andun siya.

Sa harap ng kanyang piano.

Habang tumutugtog ng napakagandang piyesa.

Ang galing talaga niya.

Napaka-payapa niyang tingnan habang tumutugtog.

Parang bumibigat ang dibdib ko sa himig na kanyang ginagawa.

Napakabigat sa pakiramdam.

Natapos ang musika sa napakalungkot na melodiya.

Paglingon niya ay nagulat siya at tila hindi inaasahan ang presensya ko nang makita niya ako.

"Eros? anong ginagawa mo rito?"

"Ah gusto lang sana kitang dalawin." nakayuko kong tugon.

"Ganun ba."

"Ang galing mo talaga tumugtog."

"Hahahaha nambola pa."

"Huy totoo kaya yun."

"Sige na nga."

"Uhm Mary pwede ba akong pumasok sa kwarto mo?"

Tumango ito bilang pagsang-ayon.

Pagpasok palang ay dumiretso na ako sa kanyang kama at nahiga.

"Wow feel at home?"

"Wala kang magagawa boyfriend mo ako."

"Wow ha!"

"Halika dito tabihan mo nalang ako."

"Ayoko nga baka kung ano pang gawin mo sakin."

"Grabe ka naman napaka-advance mo mag-isip di ba pwedeng gusto lang kitang makausap. Pero kung sakaling may gagawin man ako sayo panigurado naman na magugustuhan mo."
nakangisi kong sabi sa kanya na siyang nakapagpamula sa buong mukha nito.

"Bastos!" namumulang bulyaw nito.

Aalis na sana ito nang hilain ko siya palapit sakin at niyakap siya ng mahigpit.

Pilit siyang nagpumiglas pero hindi ko siya hinayaan.

"Naririnig mo ba?"

"Ang alin?"

"Yung tibok ng puso ko na ikaw lang ang tinitibok."

Napangiti siya sa sinabi ko.

Humiwalay siya sa pagkakayakap ko sa kanya habang di maalis ang ngiti sa kanyang labi.

Miracle Dream (The Wattys 2020 Nominee) (The Wattys 2021 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon