Chapter 6

2.8K 54 14
                                    

Nandun siya tumutugtog ng piano.

Damang dama nito ang pagtugtog habang nakapikit.

Bumagal ang pagtugtog nya kasabay nun ay ang tuloy tuloy na pagbagsak ng kanyang mga luha.

Parang hinaplos ng anghel ang puso ko sa mga sandaling yun.

Kumirot lalo ang puso ko di lang sa melodiyang kanyang ginagawa kundi ang emosyong ginugugol nito sa bawat tipa ng kanyang mga daliri sa instrumento.

Malapit nang matapos ang tugtog at tuluyan nang pumatak ang mga luha nito.

Natapos ang tugtog kasabay nun ang biglang pagpatak ng luha mula sa aking mata na ikinabigla ko.

Agad ko itong pinahid.

Tumayo sya sa kinauupuan nya at nagulat nang makita ako.

Anlalim at ang pula ng kanyang mga mata dahil narin sa kanyang pag-iyak.

"Anong g-ginagawa mo rito?"

"Pasensya ka na kung bigla akong pumasok sa kwarto mo. Hindi ko sinasadyang pumasok hinahanap kasi kita." paliwanag ko sa kanya.

"N-napanood mo ko?" tanong nito.

"O-oo." utal kong sagot.

Napabuntong hininga sya at nakita kong nangingilid uli ang luha sa kanyang mata na nagbabadyang bumagsak.

"Marunong ka palang tumugtog ng piano. Kung hindi ako nagkakamali River Flows In You yung tinugtog mo?"

"Ahh oo." napangiti ito.

"Ang galing mo naman mas magaling ka pa kay Yiruma!"

"Bolero." natatawang tugon nito.

"Hindi ako nagbibiro kung sa emosyon lang din lamang na lamang ka sa kanya."

"S-salamat."

"Ah Eros naghanda ako ng almusal kumain ka muna bago ka umuwi."

"Naku di ka na sana nag-abala pa."

"Bisita kita kaya tungkulin ko iyon."

Nauna siyang bumaba papuntang kusina.

Tiningnan ko muna ang kabuuan ng kanyang kwarto.

Malawak ang kwarto nito.

Isang ibedensiya ang piano nito na naroon kung bakit ito nagkasya.

Marami rin siyang libro.

Pero mas kapansin pansin ang mga sketchpad na nagkalat sa sahig.

Nakaagaw ng pansin ko ang lumang sketchpad nito.

Nakaramdam ako ng kuryosidad at agad kong nilapitan ito pero di ko na natuloy dahil sa lakas at nakakarinding sigaw ni Mary mula sa baba.

Dali dali akong bumaba papuntang kusina at umupo sa mahaba nilang mesa.

Sabay kaming kumain pagkatapos.

~*~

"Mary salamat."

Nasa labas na kami ng kanilang bahay.

Ang presko ng hangin para akong dinuduyan sa sarap.

"Ako dapat ang magpasalamat sayo. Salamat Eros kasi alam ko na minsan sa buhay ko meron din palang nag-aalala sakin. Ang sarap sa pakiramdam alam mo ba yun."  nakangiting turan nito.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga sinabi niyang yun.

Masaya kasi alam kong pinapahalagahan niya yung ginawa ko kahit simpleng bagay lang yun.

Miracle Dream (The Wattys 2020 Nominee) (The Wattys 2021 Nominee)Where stories live. Discover now