Chapter 16

2.5K 47 1
                                    

Kasalukuyan ko siyang tinititigan ng hapon ding yun.

Nakatulog siya sa pagbabasa.

Nangangalahati na niya ang ikalawang libro na pinahiram ko sa kanya—Inkspell.

Ganun siya kabilis magbasa.

Nakakamangha.

Napatingin ako sa kanyang kamay.

Hinawakan ko ito.

Nahilo ako bigla sa paghawak sa palad niya.

Nagulat nalang ako nang ilang saglit pa ay naramdaman ko ang matinding pagsakit ng ulo ko at kasunod nito ang mga daluyong ng ala ala na pilit pumapasok sa isip ko.

Masyadong mabilis ang pagpasok ng mga ito kaya hindi ko mawari ng lubusan ang mga imaheng nagpapakita rito.

Tanging isang imahe lang ang malinaw.

Imahe ng isang babae.

Ngunit hindi ko mamukhaan.

Hindi ko maipaliwanag ang kanyang mukha sa sobrang layo nito at sa liwanag na bumabalot dito.

Lumapit ng lumapit ang imahe hanggang sa lumilinaw ang mukha nito.

Lumilinaw ng lumilinaw ang mukha nito hanggang sa mapuno ng matitinis na bulong ang aking isipan.

Habang tumatagal lalong lumalakas ang mga bulong hanggang sa bigla nalang itong umalingawngaw sa isipan ko.

Agad akong napabitaw sa kamay niya.

Habol habol ko ang aking hininga pagkatapos mangyari yun na tila ba ay tumakbo ako ng milya milya ng hindi ko namamalayan.

Ilang minuto ang lumipas at nagising na rin siya.

Takang taka itong tumingin sa akin.

"Eros lkay ka lang ba? anong nangyari sayo at balisa ka?"

"Ahh w-wala to."

"Ganun ba pasensya ka na nakatulog ako."

"Okay lang yun."

"Ah sige Mary mauna na ako."

"Hatid na kita."

"Naku wag na."

"Ihahatid kita sa ayaw o sa gusto mo." pamimilit nito.

Natawa nalang ako.

Nauna itong naglakad habang hila hila ako.

Habang naglalakad pababa sa kanilang bahay ay di ko parin maalis sa isipan ko ang nangyari kanina.

Paano nangyari ang bagay na yun?

Hindi kaya may kung anong kapangyarihan si Mary na magbahagi ng mga limot na ala-ala ng isang tao.

O baka naman nagkataon lang ang lahat.

Nangyari ba ito para iparating sakin na konektado ang buhay namin sa isa't isa?

"Eros! Eros!" naramdaman ko ang pagyugyog na yan mula kay Mary na nasa tabi ko pala.

Tila nawala sa isip ko ang presensya niya dahil narin sa bagay na patuloy na bumabagabag sa isipan ko.

"Ah-ano yun Mary?"

"Tinatanong ko kung pwede mo akong isakay sa bisekleta mo?"

"Ah yun ba? oo naman bakit hindi?"

"Naku salamat Eros!" sabi nito sabay yakap ng mahigpit sakin.

Agad naman akong namula pagkatapos niyang gawin yun.

Mabilis itong naglakad at naunang tinungo ang puno kung saan ko ito nilagay.

"Eros ano pang ginagawa mo diyan halika na dito bilis!" di makapaghintay nitong sigaw.

"Andyan na! yung totoo ngayon ka palang ba makakasakay ng bisekleta at ganyan na lamang ang pagkasabik mo." natatawa kong sabi sa kanya.

"Hindi ah matagal-tagal na panahon narin kasi akong hindi nakakasakay ng bisekleta kaya bilisan mo na at pedalan mo na tong bisekleta!" sabik na sabik nitong utos at nauna na itong umangkas sa bisekleta.

"Oo na eto na." sabi ko at sinimulang pedalan ang bisekleta.

"Kumapit kang mabuti." paalala ko sa kanya.

"Aye Captain!" sabi nito habang nakasaludo ang kamay nito.

Natawa ako.

Nagulat ako at namula nang maramdaman ko ang mga kamay nito mula sa likod ko na pumulupot sa katawan ko.

Kahit papano ay gumaan ang loob ko at parang alikabok nalang na nawala sa hangin ang bagay na kanina pa bumabagabag sa isipan ko.

Masaya ako na siya ang dahilan.

Masaya naming nilibot ni Mary ang Miracle Village gamit ang munti kong bisekleta.

Sobrang saya ni Mary sa pagsakay sa bisekleta na parang batang unang beses palang makaranas sumakay ng bisekleta.

Palubog na ang araw ng maisipan naming huminto.

Pagod narin ako at nangangalay na ang dalawa kong paa sa pagpedal.

Sa mataas na parte ng burol namin naisipang huminto para magpahinga ni Mary.

Umupo kami sa damuhan at sabay naming pinanood ang paglubog ng araw.

"Napakaganda! bukod tangi sa lahat!" manghang sabi ni Mary.

"Kahit ilang beses ko nang napanood ang paglubog ng araw hanggang ngayon parang bago parin sa paningin ko. Sa totoo lang hindi siya nakakasawang panoorin." dugtong ko.

Isinandal ni Mary ang ulo nito sa aking balikat.

Hinayaan ko lang siya.

Pinikit nito ang kanyang mga mata.

Tinitigan ko lang siya at napaisip kung gaano ako ka-swerte.

Maswerte akong magkaroon ng anghel gaya niya.

My dearest angel...

Miracle Dream (The Wattys 2020 Nominee) (The Wattys 2021 Nominee)Where stories live. Discover now