Chapter 23

2.3K 43 0
                                    

“Is it really possible to fall in love with someone who only exist in your dreams?
I ask in sorrow.”

- Ronald S. Lomibao, Dreaming Of You

Naglalakad ako sa mahabang daan na tila ba'y walang hangganan.

Malabo ang paligid at tanging ang mahabang tuwid na daan lang ang malinaw sa lahat.

Ipinagpatuloy ko pa ang paglalakad parang may kung ano sa isip ko na nagtutulak na kailangan kong marating ang hangganan ng daang to.

Binilisan ko pa ang aking paglalakad hanggang sa takbuhin ko na ito.

Ilang milya na ang natakbo ko ngunit wala parin akong naaabot na hangganan.

Pagod na pagod na ang mga tuhod ko sa pagtakbo. Gusto na ring sumuko ng katawan ko.

Hanggang sa makaaninag ako ng liwanag.

Binilisan ko pa ang pagtakbo.

At pagkaraan ay naabot ko kung saan nagmumula ang liwanag na iyon.

Nang malapitan ko ito'y dun ko napagtanto na nagmumula ang liwanag sa isang bahay.

Bahay sa isang burol.

Pamilyar ang bahay na to.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang bahay na yun at nilabas si...

Mira?

Hindi ako pwedeng magkamali

Si Mira ang babaeng nasa harap ko ngayon.

“M-mira?” bulalas ko nang dumaan siya sa tabi ko ngunit dinaanan lang niya ako na tila ba'y di niya ako nakikita.

“Mira anong—” di ko na natuloy ang sasabihin ko nang bumukas ulit ang pinto ng bahay at lumabas dun ang isang bata dala dala ang kanyang maliit na bag.

Biglang kumirot ang puso ko.

Y-yung mga matang yun...

Napaka-pamilyar.

Hindi ko alam, pero alam kong kilala ko siya.

Hindi ko matandaan kung kailan at kung saan.

Tila isang limot na memorya na lamang...

Sino siya?

“Ate Mira, I'm ready for school!” masiglang salubong ng bata kay Mira sabay takbo at yakap dito.

“Good girl M**** mana ka talaga kay Ate.” nakangiting bati ni Mira sa bata.

T-teka anong—anong pangalan nung bata?

Hindi ko narinig ng maayos.

Ito pala yung kapatid ni Mira.

Miracle Dream (The Wattys 2020 Nominee) (The Wattys 2021 Nominee)Where stories live. Discover now