Chapter 6: Now I know

213 98 4
                                    

Dayne Avril's Point of View

Matapos naming kumain ay inihatid ako ni Ken sa loob ng aking silid. Nagtataka ma'y umupo ito sa isang sofa na nakaharap sa nakabukas na veranda.

Walang magawa ay sinundan ko na lamang ito at naupo sa kaniyang tabi. Sigurado naman akong hindi kami masyadong malapit.

Nakatingin lamang ito sa labas. Nakapaninibago. Kung kanina lamang ay para siyang asong ngiti nang ngiti na hindi mawari, ngayon naman ay para siyang balon na hindi matukoy ang sukat kung gaano kalalim.

Kung ganoon ay napakagaling naman niyang umarte.

"Ang galing mo naman." Sabi ko habang hinahanap ang bagay kung saan siya nakatingin. "Biruin mo, mula pagkagising ko ay 'yang puti mong ngipin ang kaagad na bumungad sa akin. Mula sa pagkain ko kanina ay parang hindi nangangalay ang panga mo, tapos ngayon daig mo pa 'yung halaman na 'yon." Itinuro ko naman ang isang halamang lanta na. Hindi yata nadidiligan dito sa veranda.

"Anong mararamdaman mo kapag nakita mo na ang matagal na nawawala mong kapatid?" Tanong niya sa akin. Huh?

"Syempre masaya 'yon. Kasi nagkasama na kayo, tapos ano..." Bakit ba wala akong masabi? Nagtatanong lang naman siya ah.
"Sandali nga lang! Sino ba 'yan ha? Ako dapat ang nagtatanong kung bakit ako nandito at kung bakit wala akong maalala tapos uunahan mo 'kong magdrama? Aba, hindi yata patas 'yon."

Sa haba ng sinabi ko ay tanging buntong hininga niya lamang ang aking narinig. Grabe, ang haba ng sagot. Psh.

"Ganito kasi 'yan... Ikaw ang pinsan ko, at ikaw ang matagal nang hinahanap ng hari." Nanlaki ang aking mata sa narinig. T-Teka lang.

"B-Bakit naman ako hinahanap ng hari?" Naningkit naman ang kaniyang mata at napaisip.

"Narinig ko na ikaw ang anak ng hari at oo, ikaw nga ang kapatid nina Sky."

Ibig sabihin, matagal na akong nawawala? At ngayon lang ako nahanap? Ibig sabihin ngayon lang ako nakatapak dito?

"'Wag ka ngang magbiro. Hindi mo ba napansin kung paano ako ituring ng mga pinsan mo kanina? Halos mandiri sila sa 'kin." Tumayo ako at sumandal sa railings ng veranda.

"I understand. Mahihirapan silang intindihin 'yon dahil hindi nila akalain na taga-Mederia ka at mas lalong hindi nila matanggap dahil isa kang prinsesa." Napairap na lang ako. That's right! Now that makes them also my cousins. Blimey!

"Ridiculous! I am really frustrated because of the fact that I can't remember anything at all--I am the princess? Shut the hell up!"

"Well, I guess that's it for today!" Ken suddenly stood with a smile plastered against his face.

"Puwedeng pakituloy ng sinasabi mo?" Itinuro ko ang upuan at muli siyang iginaya dito. "Sige na."

"Ako ang masusunod Evony." Lumakad ito pinto. "Matulog ka na."

Hindi ko na narinig pa ang sumunod niyang sinabi dahil halos pabulong na lang ito bago niya isinara ang pinto. Mukhang hindi ko na siya mapipigilan pa.

Parang kagigising ko lang kanina tapos ngayon ay hindi ko namalayan na nakalitaw na pala ang buwan. Ang bilis ng oras. I wish na sana ay kinabukasan na agad upang muli akong makapagtanong kay Ken.

Pakiramdam ko kasi ay parang may mali. May hindi tama at parang may malaking kulang. It sucks to feel this way. Unable to recall your memories even if you badly want to.

The Given Gift of Curse Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin