Chapter 10: Tattoo crest

151 89 6
                                    

Dayne Avril's Point of View

"Good morning." Bati ko.

Nandito ako sa hapag para mag almusal kasama ang dalawa kong kapatid, apat kong pinsan, at si ama. Ito ang unang beses na makakasama kong kumain ang Kamahalan sa hapag kaya naman masaya ako kahit papaano.

Tumugon din naman sila ng bati sa 'kin. Maging si Sky pero nakatingin lamang ito sa kaniyang pagkain. Naupo naman ako sa tabi ni Ken kung saan hindi okupado. Kaagad niya naman akong sinandukan ng maraming pagkain. Napatingin sa 'min si Sky at napailing na lang.

Teka, anong ibig sabihin ng dismayadong pag-iling na 'yun? Akala ko ba ay maayos na kaming dalawa?

Sinimulan ko na ang pagkain, tanging tunog lamang kubyertos ang naririnig sa buong hapag. Minsan ay napapailing na lang ako sa tuwing tumatawa nang parang baliw si Kyle pero hindi na lang ito pinapansin ng Kamahalan. Tumikhim naman nang mahina ang Kamahalan na parang may nais sabihin kaya napatingin kami dito.

"Mukang hindi mo pa nalilibot ang buong lungsod ng Mysciria." Nakatingin ito sa akin. Teka, ako ba ang kinakausap niya?

Nagsitinginan naman sa gawi ko ang mga nasa hapag. Doon pa lang ay nasisiguro kong ako nga ang nais kausapin ng Hari. Nagpunas muna ako ng bibig saka nagsalita.

"Ayos lang po, gusto ko lang po muna kasing magpahinga." Tugon ko.

Siniko naman ako ni Ken kaya napatingin ako dito nang may pagtataka. May ibinubulong ito ngunit hindi ko ito marinig nang malinaw.

Tumango-tango naman ang Kamahalan at muling bumalik sa kaniyang pagkain. Sa puntong iyon, ako naman ang sumiko kay Ken. "Ano ba 'yon?" Mahina 'kong turan.

"Ang sabi ko, 'Huwag mong tatanggihan ang Kamahalan'." Napatango na lamang ako. Hindi ko naman kasi narinig at hindi ko alam ang tungkol do'n.

Nasa gitna ako ng pagngunguya ng pagkain nang magsalita si Athena.

"Kami na po ang bahala kay Evony, Kamahalan." Ha? Tama ba ang narinig ko? Akala ko ba ay may sariling mundo si Athena kaya palaging tahimik? Nagulat talaga ako sa narinig ko ngayon.

Napatingin naman sa 'kin si Athena at ngumiti. Sumang-ayon naman ang Kamahalan sa kaniya. Nahiya na ako tumanggi kaya naman nginitian ko na lamang si Athena.

Matapos naming kumain ay nagsialisan na kami sa hapag. Palabas na sana ako nang marinig kong tinawag ng Kamahalan ang dalawa kong panganay na kapatid. Bakit kaya? Hindi ko na ito napansin nang lumapit saakin si Athena at Margaret. Sumama naman ako sa kanila. Napapaisip pa rin kung bakit pinapansin na nila ako, lalo na si Margaret na inis na inis sa 'kin simula nang pumunta ako rito. Sinundan kami ni Ken na may malapad na ngiti. Wala bang araw na hindi ko siya makikitang nakangiti?

"Sasama ako ha? Matagal na rin nung huling punta ko sa kapital." Sabay pasok ng dalawa nitong kamay sa kaniyang bulsa nang nakangiti. Napaismid na lang ako bago nagsalita.

"Ano bang meron sa kapital ng Mysciria?"

"Maraming magaganda ro'n. Makikita mo mamaya. Wait ka lang." Nang makalabas kami sa palasyo ay sumakay kami sa isang kulay puting karwahe. Napakaganda ng karwaheng ito at talaga namang bumabagay ito sa mga sosyal na kasuotan namin.

Pagkatapos naming makaupo sa loob ay biglang may nagsilabasang mga kawal mula sa loob ng palasyo. Nagtataka kaming apat kung para saan ang mga kawal na lumalabas. Sumakay ang mga kawal sa kani-kanilang mga kabayo. Mukhang susundan nila kami sa pagpunta sa kapital. Ngunit bakit?

The Given Gift of Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon