Chapter 12: Disco Dome

123 71 5
                                    

Dayne Avril's Point of View

"Don't just dodge, Evony! Attack him!"

Mas lalo akong nainis nang pagsisigawan ako ng mga ka-grupo ko. Isang malaking ahas lang naman ang kalaban ko. For pete's sake! Mukha itong serpyente na pinuluputan ng mga naglalaking ugat ng puno at sanga and it was really freaking big! Pulang-pula ang mga mata nito at nakaantabay ang malaki at matulis na pangil. At ang nakakagulat pa ro'n, isa lang itong warm up! This thing is really going to kill me.

Galing ito sa loob ng isang maliit na bote na pinakita sa amin ni Mace. Noong una ay para lamang itong isang hangin na kulay pula na lumalabas sa bote na kalauna'y naging malaking ahas.

"Don't just freaking stand there! Help me!" Sigaw ko nang makaulit akong umiwas sa mga damba ng malaking ahas.

Takbo ako nang takbo samantalang ang labing apat kong kagrupo ay nakatunganga at tinuturuan lang ako.

"Ikaw ang pinakamalakas sa 'min dito. You can do it!" Napairap ako sa sigaw sa 'kin ni Enoch.

How can I be more stronger than them? Absolutely stupid Enoch! Coward!

Sa sunod na pagdamba sa 'kin ng ahas ay tinamaan ako nito at humampas ang katawan ko sa matigas na lapag. I grunt. It is because my mind was temporary occupied. Muling sumigaw ang mga kagrupo ko.

"Just kill it as fast as you can!"

Mukhang naintindihan ng malaking serpyente ang mga isinisigaw nila kaya galit na galit itong bumaling sa mga kagrupo ko. Mabilis itong kumilos papalapit sa kanila kaya ang mga grupo ko ay parang langgam na nawala sa pila at nagkagulo.

"Shit!" Kaniya-kaniyang mura ang naririnig ko mula sa kanila.

Hindi ko maiwasang mapangisi. Ang duduwag kasi nila! Isa 'tong warm ng lahat! We were supposed to kill that thing, not being killed by it!

Malakas akong sumigaw. Mukha kasing natatakot na ang iba at nakakalimutan nang mag-isip.

"Calm down, everybody!" Mabilis kong tinalunan ang buntot ng ahas dahil malikot itong humahampas-hampas. "Mag-iisip tayo,"

Hingal na tinignan ako ng lahat. Ang iba ay umiiwas sa malaking ahas. Tumingin ako sa malaki at mahabang katawan ng ahas. Maybe we can burn it alive. We have to try.

"Enoch, Chanelle, and Naver will attack it. The rest of us will be decoys."  Kinausap ko silang lahat gamit ang telepathy.

Matalino ang kalaban at nakaiintindi ng lengguwaheng tao. Pero mas matalino kami. Mace was just looking from afar. Pinanonood lahat ng galaw namin.

Kaagad na tumango sa 'kin ang mga kagrupo ko. Nagsigawan sila ng malakas para mapansin sila ng malaking serpyente. Hiwa-hiwalay kaming mga decoys para lituhin ang malaking ahas. It looked puzzled at first pero nang makita nito ang unang tao sa pula niyang mata ay kaagad niya itong hinabol pagapang.

Kaagad na pinagsasaksak nina Naver ang katawan nito ngunit kapag naputol na nila ang ugat nitong katawan ay may tumutubong panibago muli. Tsk! Kailangan ng ibang paraan para mapatay ito.

"Hindi ume-epekto sa kaniya ang mga ginagawa namin! Anong gagawin natin, Evony?!" Chanelle asked me through her mind linking.

Hinihingal silang lahat kaiiwas sa pagdamba ng malaking serpyente. Napatitig ako sa kawalan, nag-iisip.

If we can't cut it to pieces, maybe we can burn it alive! Tama! Ugat at kahoy ang katawan nito. Woods can burn!

The Given Gift of Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon