Chapter 11: The Offer

135 81 21
                                    

Dayne Avril's Point of View

As soon as I entered my room, napahagalpak talaga ako ng tawa. Nakita kasi ni Sky ang ginawa ko at talaga namang napaasim ang mukha nito. Parang nawalan ng gana kumain. Pfft. Haist! Dahil magaling akong makalimot ng mga pangyayari, might as well forget about what happened earlier. Gagayahin ko na lang din si Sky na hindi ako pinapansin.

Napadako ang tingin ko sa librong nakalagay sa aking kama. Umupo ako sa kama at binasa ang cover nito.

"The two worlds apart."

Nilipat ko ang pahina at talaga namang nagulat ako sa aking nakita. Bakit may naka-imprint na dito samantalang wala namang ganito iyon dito kanina? Weird. Baka isa ito sa mga bagay na magical sa lugar na 'to. Binasa ko ang naka-imprint dito.

"Keep this book hidden from everyone. If you have this book, you are lucky to be chosen as the book keeper. The truth of the two worlds apart lies beneath the sheet of this magical book. Beware of the consequences of your action."

Nilipat ko ang mga pahina ngunit blangko lang ang nakalagay dito. Niloloko ata ako nito ah! Nilagay ko na lamang ito sa ilalim ng aking unan at napagpasiyahang matulog na lang.

Naalimpungatan ako sa ingay at lamig. My window was left wide open. Hinahangin nang malakas ang kurtina kaya nilapitan ko ito at sumilip sa bintana. It was raining cats and dogs outside. Kumukulog nang malakas at talaga namang nakagugulat ito. Tumingin ako sa orasan na nasa side table. Alas dose ng madaling araw. Sobrang aga pa pala.

Napayakap ko sa sarili ko sa lamig kaya naman isinarado ko na ang bintana at muling nagtungo sa kama. Sumampa ako rito at kinuha ang librong nakatago sa ilalim ng aking unan.

Pinagmasdan ko ito. Habang pumapatay ako ng oras ay ibubuhos ko muna rito ang aking atensyon.

Talaga bang magical ang book na 'to? It looks plain and worn out. Nothing ordinary and special.

Kumuha ako ng panulat. Binuksan ko ang libro sa likod na bahagi nito at do'n nagsulat.

'This day started with a rainy weather,'

I was waiting for any magical that may happen. Minutes have passed and I'm still staring at the page where I had written my thoughts. I decided to write something again.

'Don't you think?'

Sa sinulat ko ay parang kausap ko mismo ang libro. I was startled when the page where I had written something, mysteriously glow. Parang mga dalawang segundo ang itinagal no'n at saka nawala.

'I can see that. Cold day, isn't it?'

Seriously?! Nagkaroon ng sulat ang libro! At ang nakakagulat pa ro'n ay sumagot ito sa 'kin! It replied to my question! This book is really magical!

Hindi ko namalayang umaga na pala. Natuwa kasi ako nang sobra sa libro kaya nagsulat ako nang nagsulat dito hanggang sa mapagod ang kamay ko. It's like I'm really having a conversation with a book!

It was passed 6 o'clock in the morning. I looked to the window to check the weather outside. Makulimlim pa rin, pero hindi na katulad kanina na sobrang lakas ng ulan. Ambon na lang ngayon.

Nagsuot ako ng makapal na damit. Bitbit ang libro at panulat ay nilisan ko ang silid. I walked through the dim hallway. Hindi pa kasi sumisikat ang araw at mukang malabo na iyon sa panahon ngayon. Nagtungo ako sa napakalaking living room. Natagpuan kong kumpleto roon ang magpipinsan.

Umaapoy ang chimney, nagbibigay liwanag at init sa malamig na panahon. Wala ring nakabukas na ilaw at tanging liwanag mula sa labas ng bintana ang nakakapasok dito sa loob. Naupo ako sa single sofa. Napansin nila ako pero bumalik din sila sa kani-kanilang mga pinagkakaabalahanan.

The Given Gift of Curse Where stories live. Discover now