Chapter 22: The Late Queen's Theory

62 24 16
                                    

Evony Lorraine's Point of View

Napa-dilat ako dahil sa matinding sakit ng sikmura. I found out na nakahiga pala ako sa isang kama. Dahan dahan akong umupo dahil sa kada-galaw ko ay kumikirot ang buo kong katawan. Napasakit.

I look around. Nasa loob ako ng isang kwarto, hindi gano'n kalaki kundi sakto lang. Maganda rin ang mga gamit pero hindi kasing ganda ng mga gamit sa kastilyo.

Iba na rin ang suot ko ngayon. May kaunti akong naaalala sa nangyari pero medyo malabo pa rin. Ang huli kong naaalala ay dalawa na lang kaming natira sa loob ng kulungan kasama ang tatlong hayop na hayok na hayok pumatay.

Pilit kong inalala ang iba pero sa huli ay sumakit lang ang ulo ko. Crap! Sobrang sakit ng katawan ko!

"Gising ka na, Dayne!" bigla akong dinamba ng yakap ni Mandria. Kelan siya naka-pasok sa loob? I was too pre-occupied.

"O-Ouch." daing ko dahil sa pandudurog niya ng katawan ko gamit ng yakap. Mabilis siyang humiwalay sa'kin at nagpunas ng luha.

"Sorry!" ani niya sabay tumawa kaya napa-ngiti ako. She was safe now.

She held my shoulders and hugged me lightly. Hindi ko siya magawang yakapin pabalik dahil sa pag-taas ko ng braso ko ay ako lang din ang nasaktan. We both chuckled after we hugged.

"Namiss kita, Dayne! Marami kang iku-kwento sa'min ni Joshua kaya magpagaling ka muna! Susubuan kita." may dala pala itong pagkain.

"Sobra din kitang namiss pero ako na ang magsusubo sa sarili ko."  tumawa ako pero hindi niya iniabot sakin ang pagkain.

Wala na akong ibang nagawa kundi nguyain ang pagkaing sinubo niya. This girl, ang cute talaga ni Mandria.

"Nasaan pala tayo?" tanong ko.

"Sa tuktok ng bundok Anaphoris, sa lugar ng mga Athamas."

"Ano pa lang nangyari kahapon? Did I managed to win?" naguluhan si Mandria sa tanong ko.

"Of course nanalo ka! Hindi ko akalain na malaki ang ipinagbago mo. At anong sinasabi mong nangyari kahapon?!" untag nito kaya mas naguluhan ako.

"Kahapon or kanina? Teka sandali, kailan ba nangyari yung match?" gulong gulo kong tanong.

Natawa si Mandria. "That was couple of days ago, Dayne. You've been asleep for 3 long days matapos nating matakasan ang mga humahabol sa atin sa kapital. Hindi mo naaalala?"

Mabilis akong umiling. Kahit anong sabihin niya ay hindi ko pa rin talaga maalala. Humahabol?! Bakit naman kami hahabulin?!

"Hinabol tayo dahil matapos mong manalo ay pinagbantaan mo ang buhay ng emcee." muli napa-tawa si Mandria. Ako? Magbabanta?! No way. "Pagod lang 'yan. Oh, kumain ka pa."

Dahil sa matinding gutom ay kumain na lang ako. I need to fuel myself. Iba ang misyon ko dito at kailangan kong maging malakas. Pagkatapos no'n ay lumabas si Mandria dala ang mga hugasin.

I can barely stand na kaya lumabas din ako ng kwarto kahit pinagsabihan ako ni Mandria na huwag munang tumayo.

Ang una kong napansin ay ang mga batang nagsisitakbuhan sa labas. They were very happy and they have those smiles that will put your worries at rest. Punum-puno ng mga magagandang halaman at bulaklak ang paligid. Ito ang dumagdagdag sa makulay nilang lugar.

Napakapayapa rito. Ganitong ganito ang baryo noon kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng pagka-pamilyar. Naramdam kong nakabalik na nga ako sa mundo kung saan dating nabuhay si Lolo Theo.

The Given Gift of Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon