Chapter 20: Soir Otaro's Match

58 27 16
                                    

Evony Lorraine's Point of View

Mariin kong hawak ang tiyan ko habang naglalakad. Gutom na talaga ako. Naghanap pa talaga ako ng daan kung saan pwede kong maiwasan si Joshua.

Iniiwasan ko din ang mga kawal ng Oratorios na lumilibot sa lugar. Wala pa akong alam sa susunod kong gagawin kaya magtatago na lang siguro muna ako ngayon.

Isa pa, mukhang hindi ko nakumbinsi si Joshua kanina. Babalik iyon at mamatiyagan akong muli. Knowing my friend, hindi siya marunong bumitaw sa kung anong pinanghahawakan niya. Talagang nakuha ko ang atensyon niya kaya alam kong hindi niya ako palulusutin ng basta basta.

Pumasok ako sa loob ng gusali kung saan ako magpapahinga. Siguro ay itutulog ko na lang ang gutom ko. Wala naman ang babaeng nagba-bantay kaya umakyat na ako.

Pagkabukas ko ng pinto ay ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. Hindi na ako iiyak dahil lang sa nakita ko muli si Joshua. Dapat matuto akong maging matigas kapag dating sa nararamdaman ko.

Matatalo ako kung mananatili akong mahina at malambot kahit na sa mga oras na 'to. Ayokong baliwalain ang pageensayo ko sa Mysciria.

Ipinikit ko ang mata ko at nagdasal.

****

Nagising ako nang makarinig ako ng mga kalabog sa labas ng kwarto ko. Parang pilit na kinakatok ang mga katabing pinto. Mabilis akong tumayo at pinakinggan ang ingay.

"May hinahanap kami."

Nanlaki ang mata ko. Mukhang mga kawal ang nagpupumilit buksan ang bawat kwarto para mahanap ako. Sa tingin ko ay kausap nito ang taong nagpapahinga sa kabilang kwarto.

Bakit ang bilis nilang kumilos?!

Hindi pa lumalagpas ang oras sa bente-kwarto pero nakakilos na kaagad sila para tugusin ako! Pesteng Oratorios! Mukhang nalaman din nila nasa Mederia ako magtatago kaya nagpadala kaagad sila ng hukbo ng demonyo. Tss.

Mabilis akong nagisip at luminga sa paligid. Kung lalabas ako ng pinto ay siguradong makikita nila ako.

Napadako ang tingin ko sa bintana. Kaagad akong lumapit dito ay iniangat ang salaming nakatakip. Nilusot ko ang ulo at tumingin sa baba. Nalula ako dahil sa sobrang taas pala ng kinalalagyan ko.

Mga kawal din ng Oratorios ang nakapalibot sa baba nito. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko ngayon na halos marinig ko na ito at bumingi sa akin.

"Talaga bang hindi nila ako tatantanan?!"

Mas lalong kumalabog ang dibdib ko nang katukin nila ang pinto ng aking kwarto. Malakas ang kalabog na parang sinasabayan ang nangangabayo kong puso.

"Bubuksan mo o sisirain namin ang pinto?!"

Halos mapatalon ako nang sumigaw sila. Para akong naba-blangko sa kaba. Nilibot ko muli ang paningin ko. Wala akong makitang lubid at maikli ang kumot para ipantali sa sarili ko upang makababa.

Parehas na kamatayan ang nagiintay sakin sa dalawang pagpipilian ko. Inilabas ko ang buong katawan ko sa bintana at mahigpit na kumapit sa hamba nito. Kung tatalon ako sa kabilang gusali ay may tyansa akong mabuhay dahil medyo kapantay nito ang palapag kung nasaan ako. Mas mababa nga lang ito.

Mas ligtas ito sa lahat nang pagpipilian dahil hindi nila ako makikita kahit ng mga nagiintay sa baba. Ito na nga siguro ang pipiliin ko kesa ako pa mismo ang magbukas ng pinto para sa mga kawal.

Mas lumakas ang katok na narinig ko. Batid kong nauubusan na ng pasensya ang kung sinong nasa labas. Halos wasakin na kasi nila ang pintuan.

Huminga ako ng malalim. Ibinuwelo ko ang katawan ko at magaang tumalon papunta sa kabilang gusali. Halos malula ako sa ere kasabay nang pagbagsak ng katawan ko sa bubong.

The Given Gift of Curse Where stories live. Discover now