MTME 4

352 15 0
                                    

A S T E R

Nandito ako ngayon sa Dean's Office para alamin kung anong section ko habang sila Mori ay nauna na sa room maliban kay Nice. Nagpa-antay ako sa kanya para ihatid ako sa magiging room ko.

"Collins, right?" tanong ni Dean.

"Yes, Dean."

"Hmm ikaw ang anak ni Astreo Collins at Love Collins?" tanong pa nya

Ano to? Interview?

"Yes, Dean."

"Hmm. Kilala mo siguro itong si Saavedra? His parents and your parents have good connections. They're business partners." Sabi ni Dean.

"No, Dean. I lived in US for two years and I don't have any background about my father for those past two years. I'm sorry."

"It's okay. 12-A ang section mo." Sabi nya.

"A-Ah may I know kung anong section ni Santibañez? Stella Yunice Santibañez." tanong ko.

"12-A din Ms. Collins." Sagot ni Dean.

Yown! Edi magkakaklase din pala kaming anim.

"Thank you, Dean." At lumabas na ko sa office.

"Oh ano raw section mo? Grabe ang tagal mo sa loob."

"12-A. Nakipagchikahan pa si Dean e." Sagot ko

"Ayos. Classmate ka rin pala namin e. Tara na sa room."

*ROOM*

Nakakailang lang dahil lahat ng mata ay naka-focus sakin. Magpapakilala kase ako. Tapos mamaya sila namab daw. Ngayong nasa harapan ako, napansin kong ang daming bakanteng upuan. Mga pito siguro.

"I'm Asteria Hope Collins. 17 year------"

*door opens*

"Sorry we're late." napanganga nalang ako nang makita kung sino-sino ang mga yon.

Tell me I'm dreaming.

Nagtama ang paningin namin ng kumag na Gray na yon at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Inis lang yan.

Bakit kailangang maging kaklase ko pa 'tong hayop na to?!

"Ms. Collins, continue." sabi ng Adviser namin.

"A-Ah I'm Asteria Hope Collins. 17 years old." maiksing pakilala ko.

"That's all?" Tanong ni Mrs. Gonzales.

"Yes."

"Ok you may take your seat."

At gaya ng sabi nya, naupo na ko.

"Okay, kayong pitong late na dumating, kayo ang unang magpapakilala since may tramsferee tayo ngayon."

"Ma'am naman." Reklamo nung pinakamaliit sa kanila at pinakasingkit.

"May angal Mr. Amadeo?"

"Yes Ma'am. Dapat by seat." Nakanguso pang sabi nya.

"Ayaw nalang tumayo." bulong ni Nice na nasa likuran ko.

"Epal." Bulong sa kanya ni pandak na singkit.

Nasa likuran lang din kasi sya ni Nice kaya narinig nya.

"I'll count in 1-3. Pag hindi pa kayo tumayo, detention." Banta ni Mrs. Gonzales.

Kakamot-kamot sa ulo silang pito at napipilitang tumayo at pumunta sa unahan. Nakapila silang pito at nasa hulihan ang kumag.

Married To My Enemy[COMPLETED]Where stories live. Discover now