MTME 69

261 11 0
                                    

T H I R D  P E R S O N

Nakatingin lamang ang apat na babae at mga tauhan nila na nasa likuran nilang apat kay Aster na unti-unti na ring nagkakaroon ng malay.

Minulat ni Aster ang mga mata nya at nagulat sya nang makitang nakagapos sya pati si Gray na may benda sa ulo at walang malay. Agad nyang nilingon ay may pakana ng lahat at napatulo ang luha nya ng makita kung sino-sino ang mga yun.

"Surprise, Aster" nakangising sabi ni Mori habang magka-krus ang braso.

"Hayop ka! So tama nga ang hinala ko na kasabwat ka ng mga yan?!" galit na sigaw ni Aster.

"Nagulat ka ba?" Malambing na tanong ni Rose at may halong pang-aasar ang tono ng pananalita nya.

"Tangina Xy?! Matapos kitang bigyan ng second chance?! Matapos kitang patawarin, uulitin mo padin ang kahayupan mo?! Hindi ka na nadala?! Ano bang gusto nyo?!"

"Simple lang. Zach is mine" madiing sabi ni Xy.

"Iyong-iyo na yan! Fck! Mori! Ang laki ng tiwala ko sayo! Tapos may sa lahing demonyo ka pala?! Ano bang nagustuhan sayo ni CJ?!"

"Wag na wag mong babanggitin ang pangalan ng boyfriend ko dito. Ang panget pag sa bibig mo lumalabas, Aster"

"Edi wag mo ring banggitin ang pangalan ko dahil parang tinatawag ako ni Satanas! Pakawalan nyo ko!" Nagpumiglas si Aster pero sobrang higpit ng pagkakatali sa kanya.

"Kapag patay ka na, saka ka namin papakawalan" nakangising sabi ni Rose.

"Rose, feeling ko hindi na tama to" bulong ni Sharon sa kaibigan.

"Shut up, Sharon! Boys! Kalagin nyo ang tali nyang babaeng yan! Hawakan nyong maigi ha!" Utos ni Rose sa mga tauhan nya.

Hindi pumalag si Aster nang kalagin ng mga tauhan ni Rose ang tali nya dahil nanlalambot parin sya. Marahas syang itinayo nang mga ito at dinala sa tapat ng drum na puno ng tubig.

Lumapit si Rose at dinakot ang buhok ni Aster saka inilublob ng matagal na matagal sa tubig ang mukha nito. Naghahabol ng hininga si Aster nang inangat ni Rose ang mukha nito pero mulinya itong inilublob.

"Ganyan ang nababagay sa malalanding katulad mo, Aster. You want more?"

"Go to hell" nanghihinang bulong nya

"Yeah, kita-kita tayong lima don"

"Diba gusto nyo kong patayin? Yun lang naman yung rason kung bakit nyo ginagawa to, diba? Then go! Patayin nyo na ko para tapos na! Wag nyo nang idamay si Gray dito!" Pinipilit nya ang sariling maging malakas. Wala syang magawa dahil masyadong malakas ang mga lalaking may hawak sa kanya.

Ilulublob ulit sana ni Rose si Aster pero pinigilan sya ni Xy.

"What?!" Iritang tanong nito

"He's awake" sabay-sabay silang napalingon kay Gray na namumutla pa at nanghihina.

"A-Ako nalang. W-Wag na si A-Aster" imik nito

Pabatong binitawan ni Rose ang buhok ni Aster at marahang pumalakpak.

"Now Xy, how does it feel na harap-harapan kang pinagtataksilan ng taong mahal mo?" pang-aasar nito.

Nasasaktan si Xy at hindi nya maitatanggi yon. Kitang-kita niya kung paano mag-aalala ang lalaking mahal nya sa kaibigan nya pero umakto sya na parang wala lang sa kanya.

"Wala akong pake. Alam kong mapupunta din si Zach sakin sa huli. Papatayin natin si Aster diba?" ngumisi pa ang dalaga.

"How dare you" madiing sabi ni Aster kay Xy.

Married To My Enemy[COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang