MTME 7

275 11 0
                                    

A S T E R

*lunch*

Mabilis na lumipas ang oras pero mas mabilis kumalat ang balita. Akalain mong buong campus yata e alam na nakasama namin ang 7kings kanina na kumain nubg recess.

"Ano tara na." Aya ni Max. Sya naman daw ngayon ang manglilibre ng lunch dahil kanina ay si Dylan ang nanglibre.

"Mauna na kayo. Mag-aayos pa ko ng gamit. Susunod nalang ako." Sabi ko.

"Samahan na kita." Presinta ni Dylan.

"Wag na. Madali lang naman to. Sumabay ka na sa kanila. Tsaka baka ma-issue pa tayo pag magkasabay tayong pupunta." Tanggi ko.

"Hay ang sweet sweet talaga ni DJ! Sana lahat no?" Parinig ni Anna.

"Pag ako naging sweet sayo baka himatayin ka." sabat ni Adi

"Bat di mo nalanh subukan hindi yung puro ka yabang no?" Anas ni Anna

"Ok. Sweetie, tara na sa canteen. Hahawakan ko yang kamay mo habang naglalakad tayo ah. Kasi sobrang proud na proud ako na ang nililigawan ko si Brianna Klane Garcia. Hay sweetie, ikaw na yata ang pinakamagandang babaeng nakilala ko." Talagang kinareer ni Adi ang pagiging sweet dahil nilambingan nya ang kanyang boses at hinaplos pa ang pisngi ni Anna

"HAHAHAH! Ngayon ko lang nakitang ganan si Adi! Sa tagal kong naging kaibigan yan!" natatawang sabi ni CJ

"Kinikilig ako!" Sabi ni Belle

"Sakin di ka kinilig?" -JJ

"Yieee! Nako! Edi etong dalawa nalang pala ang inaantay nating magkaaminan." Sabay turo ni Mori kina Ethan at Nice na hanggang sa pagsandal sa pader ay magkatabi

"Aasarin nyo na nga lang ako sa maling tao pa. Tsk tsk" sabi ni Ethan at iiling-iling na lumabas.

"Luh ang drama nya nga." -Mori

Nilingon ko si Nice. Kahit nagtataray ang mukha nya ngayon ay alam kong nasasaktan ito. Kaibigan ko na sya since elementary kaya kilala ko na bawat expression ng taong to.

"You okay?" mahinang tanong ko

"Yeah. Bakit naman ako hindi magiging okay."

"Nevermind."

"Sundan ko lang si Pandak 1.0 ni Nice" sabi ni Dylan at lumabas.

"Hays tara na nga guys. Aster sunod ka agad ha. Lalamig yung pagkain."-Belle.

"K."

"Anong order mo?" Tanong ni Max.

"Kung anong kay Dylan yun na rin akin." Sagot ko.

"Yieee talaga nga naman Aster." Pang-aasar ni Eli. Nginitian ko nalang sya.

Pareho kasi kami ng taste ni Dylan sa pagkain. Nalaman ko ring kung anong hate nya ay hate ko rin. Kaya kung magf-foodtrip man ako hahagilapin ko agad si Dylan.

Inayos ko na ang mga gamit ko at ang libro naman ay binitbit ko. Ilalagay ko kasi yun sa locker ko.

Paglabas ko ng room may dalawang babaeng nasa may tapat ng room namin na parang may inaantay.

Kung hindi ako nagkakamali, ang isa ay si Sharon. Ballerina sya at sya ang representative nitong K.U. kapag sports fest.

Lalagpasan ko na sana sila kaso hinabol ako ni Sharon.

"Ah hi I'm Sharon Glade Hermio. Sharon nalang." pakilala nya. Ang kasama nya naman ay nasa gilid nya at nakangiti sakin pero halatang pilit

Plastikada amp

Married To My Enemy[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon