MTME 6

309 10 0
                                    

A S T E R

"KAYO AH! BAT MAGKASAMA KAYO?!" tanong nila Belle at nang mga kaibigan ni Dylan nang sabay kaming pumasok sa room

Hindi ako sumagot at naupo nalang sa upuan ko which is katabi ko ang kumag.

Buti nalang tulog ngayon.

"May pakandong ka pa ah" bulong ni Nice na nakapwesto sa likod ko na sya namang katabi ni Ethan yata yun.

Bakit nila nakita?

"Nako Asteria may tinatago ka ring harot sa katawan no?" Biro nya.

"Shut up. Hindi namin sinasadya yun. Hinila nya ko at na-out of balance ako." Paliwanag ko.

"Yeah right. Out of balance." Pang-aasar nya parin

"Tatahimik ka o tatahimik ka?" Inis na tanong ko.

"Sige lang Aster. Kunwari hindi namin nakita." Napalakas ang boses nya kaya naman nilingon kami ni Belle, Eli at Max.

Napakaingay talaga nitong si Yunice.

"Tinitingin-tingin nyo?" Matapang na tanong ko

"Gray o DJ?" Tanong ni Max

Bat nadamay si kupal?

"Tss. Wag mo kong dinadamay sa kalokohan mo Max." Napapitlag ako ng biglang umimik tong nasa tabi ko.

"Gulat ka?" Tanong nya sakin. Ngayon ko lang napansin kung gaano sya kalapit sakin. Ramdam ko ang hininga nya ng ibulong nya yon mula sa likod ko.

"Yieeee." Pangaasar nila.

Dito nalang ba nabubuhay ang mga to? Sa pang-aasar?

Naiilang akong inilayp ang upuan ko kay Gray.

Argh! Bat ba ako naiilang?! Shet naman Aster umayos ka nga. Asan na ang yabang mo?

"May something sa inyo ni DJ no?" tanong ni Belle.

Kay Dylan naman ngayon.

"Wala." simpleng sagot ko.

"Ouch pare masakit bang ideny ang relasyon nyo?"pabirong tanong ni Ethan kay Dylan.

Relasyon? WTF?

"Gago. Wala kaming relasyon. Issue lang kayo." Natatawang sagot ni Dylan.

Bakit ang tino ng taong to? Kung ako ang aasarin ay malamang napipikon na ako.

"Pero diba gusto mo sya?" tanong ni Anna sabay takip sa bibig.

Tss

"Anna! Ang ingay mo!" Reklamo ni Belle.

"Napakadaldal." Iiling-iling na sabi ng katabi ni Anna. Sa pagkakatanda ko ay Adi ang nickname nito.

Nakakapagtaka ang seating arrangement namin. Magkatabi si Belle at yung crush nya. Not sure kung crush nya nga pero obvious e.

Si Anna katabi si Adi. Ang alam ko may HD sila sa isa't-isa. Ayaw lang raw umamin kaya panay ang asaran. Korni.

Si Nice katabi si Ethan. Ang alam ko rin ay may gusto itong si Nice kay Ethan. Nafall daw at laging nag-aasaran. The mpre you hate, the more you love? Ganon? Si Ethan ay paniguradong may gusto rin kay Nice dahil maganda naman si Nice. Maingay lang talaga.

Si Mori katabi yung boyfriend nya na si CJ. Laging PDa ang dalawa. Pareho silang dancer. Siguro dinadaan nila sa sayaw pag nag-aaway sila.

Si Max at Eli magkatabi rin. Palihim na nanliligaw si Max kay Eli. Natatakot daw si Eli e. Kaming mahkakaibigan lang ang nakakalam pati yung 7kings.

Married To My Enemy[COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora