MTME 31

265 11 3
                                    

A S T E R

Alas siyete na ng gabi nang matapos ang pesteng rehearsal na yon. Paulit-ulit lang din naman ang ginagawa pero ang tagal ng gingugol na oras. Nang matapos kami sa rehearsal ay sinimulan nang gayakan ang venue. Puro bulaklak ang nakikita ko. Napakaraming bulaklak. Napangiti ako nang maalala ko si Faith.

Mahilig siya sa bulaklak kaya sigurado akong kung narito siya ay magugustuhan niya ito.

Bigla kong naalala ang gown na binili namin ni Tita para sa kaniya. Napatayo ako sa aking kinauupuan at hinanap ng mata ni Kumag. Nahagip siya ng mata ko. Nakaupo siya di kalayuan sa akin at abala sa pagtitipa sa kaniyang cellphone.

Nilapitan ko siya ngunit hindi niya naman ako napansin kaya sinipa ko ang paa niya.

"What again?!"

"Samahan mo ko."

"Wow. Makautos ha. Close tayo?"

"Bakit hindi ba? Ikaw nga tong pilit tumatawag sakin ng 'Babe' hindi ba?"

"Wow lang Collins. Matapos mo kong sungit-sungitan kanina."

"Bakit ba big deal sayo yung pagsusungit ko? E sa ganon naman talaga ako!" inis na sabi ko.

"Tsk ano ba kasing kailangan mo?" naiinis ding tanong niya.

Tingnan mo ang ugali ng taong to. Kanina lamang ay nuknukan ng kaharutan ngayon naman napakainit ng ulo. Tss.

"Wag na nga." inis na sabi ko at akmang tatalikuran siya pero hinila niya ako

"Ano nga?" Pangungulit niya. Inirapan ko naman siya

"Wag na nga diba. Baka magkautang na loob pa ko sayo. Nakakahiya naman tss."

"Isa Aster."

"Bitiwan mo ko" pagmamatigas ko at pilit hinahablot ang braso ko sa kaniya.

"Sasabihin mo o hahalikan kita? Dito mismo." Seryosong sabi niya at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Napalunok ako.

"S-Sabihin ko na."

Hindi ba siya nahihiya?! Ang daming organizers ng party dito at isa pa, andito si si Daddy! Ganan ba talaga siya kalandi?! Argh!

"Good." lumayo siya sakin at binitiwan ako.

"Magpapasama sana ako sa bahay."

"Bakit?"

"Kasi may kukunin akong importanteng bagay."

"Yun lang?!"

"Hindi! Malamang."

"Oh e ano pa?"

Huminga ako nang malalim bago magsalita.

"Samahan mo din ako sa sementeryo." Nangunot ang noo niya. Animo'y nagtataka.

"Tss. Wag mo kong pangunutan ng noo. At wag ka nang ma-curious. Sasamahan mo ba ako o hinde?" mataray na sabi ko.

"Tch. Tara" Sabi niya at hinawakan ako sa kamay ko at hinila palabas ng hotel.

Nang makarating kami sa parking lot ay agad kaming sumakay sa kotse niya at nagmaneho siya papunta sa bahay namin. Nang makarating kami ay nagpaiwan na siya sa kotse niya at ako na lamang ang pumasok sa loob. Kinuha ko ang gown at saka lumabas muli. Nagulat pa siya nang makita ang bitbit ko.

"Ano yan?!"

"Gown. Obvious ba?"

"Tch. Aanhin mo naman yan? Kala ko ba ay sa sementeryo tayo pupunta? Bakit may dala kang gown?!"

Married To My Enemy[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon