MTME 16

270 9 0
                                    

A S T E R

Nagising ako nanag dahil sa alarm na sinet ko.

Bakit parang ang bigat?

Dahan-dahan kong nilingon ang katabi ko at napairap nalang ako. Sobrang bigat niya. Nakayakap sakin ang mga braso niya.

Hinawakan ko siya pero nabitawan ko rin.

Ang init niya!

Pinilit kong bumangon at saka hinipo ang noo niya.

May lagnat siya.

Hinayaan ko muna siyang matulog at kumuha ako ng damit sa bag niya at binihisan siya. Binalutan ko rin siya ng kumot at pinatay ang aircon.

Kinuha ko ang uniform ko at saka ako naligo. Nang makalabas ako nang banyo ay sumadal ako sa pinto non at tinitigan si Kumag.

Tss. Napakaamo ng mukha pag tulog.

"Iinom-inom pa kagabi, di ka tuloy makakapasok. Tss , kasalanan ko rin. Natulog kang hubad tapos nakatodo ang aircon, inagawan pa kitang kumot buset." Nakasimangot na sabi ko.

Paglabas ko ay saktong lumabas narin si Belle, Nice, Eli, Mori at Anna.

Akala ko ba magjojowa ang magkakasama?!

"A-Ah Goodmorning besh." Kabadong bati ni Belle.

"Magjojowa pala ah." inismiran ko naman siya at saka naunang bumaba sa kanila.

Napagtripan pa nga.

Nang makarating ako sa dining area ay nandon na ang mga lalaki.

"Oh Aster, di mo ginising si Gray?" tanong ni JJ na nagkakape.

"Hindi. "

"Hahaha! Salaw." natatawang sabat ni CJ

"May lagnat ang kumag na yon kaya di ko na ginising. Ihatid niyo nalang sa kanila. Wag niyo nang papasukin." sabi ko at nagtimpla din ng kape.

Feel at home ba?

Hindi na ko bago dito sa bahay nina Belle. Noon ay palagi kaming nandito nina Nice. At parang anak narin ang turing sakin nina Tito Abel at Tita Belinda.

Naupo ako sa tabi ni Dylan.

Bakit ba? E mas komportable akong maupo sa tabi niya. Hindi kagaya nina Belle na magtatanong-tanong pa ng kung ano-ano.

Nagkwentuhan sila habang nagkakape at ako naman ay tahimik lang dahil inaantok pa ako.

"Hoy Asteria, ikaw na gumising don kay Gray, idadaan yun ni DJ sa kanila mamaya bago pumasok." utos ni Belle.

"Ikaw may-ari nitong bahay diba? Bat hini ikaw ang gumawa?" pagmamaldita ko.

Ganito talaga ako pag umaga, kung araw-araw akong maldita ay mas maldita ako pag umaga.

"Wow lang Aster. Grabe. Ano bang nangyari kagabi at ang sungit mo?" nakangising tanong niya.

"Bat hindi mo tanungin ang sarili mo? Hindi ba't sinabi mong magjojowa ang magkakasama kay no choice ako kundi ang sumunod nalang sa kung sinong katabi ko kahit hindi ko gusto? Tapos yun pala tinitrip mo lang ako." nakasimagot na sagot ko.

Putek talaga.

"Sorry naman. Hindi ko naman akalaing sa talino mong yan e mauuto ka nalang basta." patuloy parin siya sa pang-aasar. Nang matapos na kong magkape ay tumayo na ko.

"Uuna na ako sa inyo. Dadaan pa ko sa amin dahil kukunin ko ang gamit ko at iiwan ko an rin don ang damit na ginamit ko." Paalam ko. Bumalil muna ako sa kwarto at kinuha ang gamit ko saka ko muling sinulyapan ang natutulog paring si Gray.

Married To My Enemy[COMPLETED]Where stories live. Discover now