MTME 29

271 12 2
                                    

A S T E R

Sa totoo lang ay wala akong balak pumasok ngayon. Gusto ko munang iwasan si Kumag. Ewan ko ba pero naiinis parin ako tuwing naiisip kong pakasalan ko siya.

Sino ba namang hindi maiinis don?

Buong klase ay wala ako sa realidad. Lumilipad ang aking isipan. At ang nakakainis pa ay exam na bukas ngunit wala akong alam maski isa.

Buset.

"Hoy Aster. Tara na!" untag ni Nice saakin dahilan para makabalik ako sa realidad.

"H-Ha?"

"Okay ka lang ba? Kanina ka pang lutang?" pagaalala ni Dylan

"O-Okay lang ako. M-Masama lang ang pakiramdam ko." Pagdadahilan ko.

"Tara na sa canteen. Lunch na oh" Sabi ni Belle

Ngayon ko lang napansin na nakaalis na ang mga kaklase namin at kami nalang ang nandito.

"A-Ah mauna na kayo. May gagawin pa kasi ako tsaka busog pa ko. Sige na." At umarte pa ako na parang inaayos ang gamit ko.

Naiilang ako dahil lahat ng mata nila ay nakatutok lamang sa akin

"SAMAHAN NA KITA." nahinto ako sa ginagawa ko nang magkasabay ng pagsasalita si Dylan at Gray.

"Yieeeee" umugong ang mga panunukso sa buong room

"A-Ah wag na. Salamat nalang." Naiilang na sabi ko.

"Sige una na kami." Paalam pa ni Belle at nagsialisan na sila

Nanlalambot naman akong napaupo sa upuan.

Ano ba Aster? Bat ka ba nagkakaganyan?!

"Aish." inis na anas ko sa sarili ko at hinampas pa ng mahina ang ulo ko.

Nakakainis!

Naiintindihan ko kung bakit sinabi yon ni Dylan. May gusto sakin yung tao, natural lang yon. Pero si Kumag? Wtf? Hindi kailangang gawin yon. Hindi porket ikakasal kami ay aarte na siya ng ganon. Mag-kaaway parin kami. No more, no less.

Ilang minuto din akong nakatulala sa glass board sa harapan nang maalala kong may kailangan akong gawin. Hinalikwat ko ang bag ko at hinanap ang isang notebook pero wala. Pero may isang nakatuping papel na nakasipit sa isang libro ko.

Pano yan napunta dito? At sinong naglagay nito dito?

Siguro ay napagtripan na naman ako ng kung sino at isinilid nalang tong papel na to sa bag ko. Kaninang recess kasi ay nag-cr ako at pagbalik ko ay bukas ang bag ko. Akala ko ay naiwan ko lang sadyang bukas pero hindi pala.

Binuklat ko yung papel at tiningnan ang nakasulat.

'Meet me at the locker room of 12-A  -SweetPea'

Sino naman tong SweetPea ba to? Letse.

Ginusumot ko yung papel at tinapon nalang basta sa lapag. Inis akong tumayo at saka pumuntang locker room. Hinarangan ko muna ng batong pangharang sa pinto ang pinti dahil sira na yon at hindi mabubuksan pag nagsara kung galing ka sa loob.

Madilim ng kaunti ang locker room pero sapat naman ang liwanag na nagmumula sa pintuan para makita ko ang bawat sulok nito at masisiguro kong wala ni isang tao ang nan---

*BLAGG!*

Kadiliman ang bumalot sa buong kwarto at wala akong makita. Unti-unti na akong nangatal sa takot. Parang ibinabalik sa isipan ko ang nangyare noon dalawang taon ang nakakalipas.

Married To My Enemy[COMPLETED]Where stories live. Discover now