Chapter 20

1.2K 40 1
                                    

-VINCE-

Hindi ko akalaing mararamdaman ko ulit yung ganitong saya. Yung mae-enjoy kong muli yung ganitong kasimpleng date. 

Sugar was my life before, my world revolved around her. Everything that I did, I did for her. So when she disappeared from my life, I was wrecked. I did not even know where to start. It felt like I lost my purpose to live.

And then came Myca.  She literally turned my world upside down. When I lost all the will to live, she pulled me back to life. 

Pinapanood ko siya habang nauna siyang naglalakad at tinitingnan yung mga pictures namin. Kahit hindi niya sabihin, ramdam ko yung saya niya dahil nakikita ko kung panong magsayaw sa tuwa yung mga mata niya.

Isa iyon sa mga bagay na nagustuhan ko sakanya - she was very easy to read. Walang pretenses, pure innocence

Napakunot-noo ako nang mapansin kong parang hirap siyang maglakad. She was wearing the pair of sneakers I bought her. Ngayon ko pa lang nakitang sinuot niya iyon... hindi kaya dahil bago pa yung mga yun kaya sumakit yung mga paa niya?

Agad na nilapitan ko siya.

"Shemsz! Bakit ang pogi-pogi pa rin ni Vince kahit nasa tubig? Kukunin ko 'to, mukha kaming mag-boyfriend. Hehe!"

Narinig kong mahinang bulong niya sa sarili niya. Pinigilan kong matawa kasi bulong lang 'yon pero malakas pa din. 

"Myca," tawag ko.

Mabilis na tinago niya yung isang picture sa likod niya.

"Ayy tilapiang malansa! Ano ba Vince! Bakit ka ba nanggugulat!" 

Hindi ko na pinansin yung sinabi niya at agad na lumuhod ako sa isang tuhod at hinawakan yung paa niya.

Bigla siyang natigil sa pagsasalita at humawak sa balikat ko.

"V-vince... tumayo ka diyan. Pinagtitinginan tayo ng mga tao... Sige ka baka akalain nila nagpo-propose ka!"

"Let them think whatever they want," sagot ko at tinanggal yung isang sapatos niya kasabay nung medyas. And I was right, may sugat siya sa likod ng paa niya.

"Why didn't you tell me these shoes don't fit you well?" tanong ko habang nakatingala sakanya.

Her face was red and it seemed like she would faint any moment.

"E-ehh kasya naman sakin eh! Bago pa lang kasi kaya ganyan. Hayaan mo na yan, kaya ko namang maglakad."

Pinatapak ko siya doon sa sapatos na tinanggal ko at pagkatapos yung kabilang paa naman yung tinanggalan ko ng sapatos at medyas. Ganun din ang pinagawa ko sakanya - pinatapak ko muna siya do'n para hindi marumihan yung mga paa niya.

I then turned around and offered her my back. Tinapik ko yung likod ko.

"Get on my back, Mycs," I said and briefly looked at her. She was looking at me with her mouth hanging open. Parang hindi siya makapaniwalang gusto ko siyang i-piggy back.

"Pero Vince... mabigat ako."

"Uh-huh, alam ko. Pero malakas ako. Kaya kong buhatin kahit limang ikaw pa. Come on, Mycs. People are looking."

Atubiling lumapit siya sakin at kumapit sa balikat at leeg ko. Her scent was driving me insane - she smelled powdery - like that of a newborn baby. Everything about Myca just speaks innocence.

"Hold on tight," sabi ko at pagkatapos ay kinuha ko yung mga sapatos niya at dahang-dahang tumayo.

Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit niya sakin.

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon