Chapter 26

1.1K 27 0
                                    

-VANN-

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. 

Pakiramdam ko naiwan ko yung sarili ko sa condo. Parang naiwan ko ang isang importanteng parte ng pagkatao ko.

Damn it. What the hell am I thinking?!

I need to fucking calm down and stop entertaining any thoughts of Kuya and Myca. 

I need to stop imagining how they could finally be together now.

I need to stop picturing them holding hands, and hugging, and kissing, and maybe more.

"Fuck," hindi ko mapigilang usal at uminom ng beer. 

Napadpad ako dito sa isang Ministop na di kalayuan sa condo. Dito ako sa labas tumambay at nagpalipas oras.

"This is crazy," wala sa sariling nasabi ko. 

What the fuck am I so upset about? 

This is what I wanted from the start, right? I have accomplished my mission, very smoothly done if I may say. But why in fucking hell am I feeling pissed?

"Magnanakaw! Pakihabol naman yung babae, nag-shoplift siya!"

Napatingin ako sa cashier na biglang sumigaw at may itinuturong batang babae na may mga dalang items na mukhang shinoplift nga niya.

Agad na tumayo ako at humarang sa daraanan nung bata kaya napatigil siya at tiningala ako.

She looked about 13 years old. Sobrang payat niya at ang putla ng mukha niya. Her eyes held no emotions. Mapungay ang mga yon at parang inaantok. 

"Masama ang magnakaw, bata," sabi ko at hinawakan siya sa isang braso. I reminded myself not to hold her too tightly kasi pakiramdam ko madudurog ko yung buto niya.

She was that thin!

Pilit na inaalis niya yung hawak ko sakanya pero ano bang laban niya sa isang full grown man?

Napatingin ako sa mga dala niya. Napakunot-noo ako nang mapansing mga pang-first aid kit yung mga yon - bulak, rubbing alcohol, betadine, face masks, at mangilang-ngilang gamot.

I looked intently at her - panic was written all over her face. Kagat-kagat niya yung labi niya at lalo pa siyang namutla dahil papalapit na sa amin yung cashier ng store.

Lalong nagpumiglas sa hawak ko itong bata at tiningnan niya ako nang mangiyak-ngiyak na. 

Huminga muna ako nang malalim at binitawan ko siya at hinarangan ko yung cashier.

"The kid's with me. I'll pay for the things she took," sabi ko at inabutan siya ng dalawang libo. "Keep the change," sabi ko.

Hindi na nagsalita pa yung cashier at nagmartsa na pabalik ng store.

I looked back at the kid.

She was standing meters away from me but now she was faintly smiling.

"Salamat po, Manong!" sigaw niya at pagkatapos ay tumakbo na papalayo.

Manong? 

Ganun na ba ang itinanda ng hitsura ko para tawaging Manong? Hindi man lang Kuya? Manong talaga?

Damn. I can't believe this overthinking is making me ugly!

Fucking hell.

-VINCE-

"Alam mo bang mag-bestfriends pa rin hanggang ngayon sina Leonardo DiCaprio at Kate Winslet? Sobrang nakaka-amaze lang. Kasi grabe yung chemistry nila pero mas pinili nilang mag-settle sa isang relationship kung saan sila mas magtatagal pero sila talaga OTP ko," sabi ni Myca habang nakatingin sa TV.

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon