Chapter 66

816 32 1
                                    

-VANN-

"Paano kayo nagkakilala ni Kyrelle? What did you do, Kai?" nakataas ang kilay na tanong ni Mama.

Narito kaming lahat ngayon sa dati naming bahay. Sino bang mag-aakalang babalik pa kaming lahat dito at ngayon ay may kasama pa?

Napatingin ako sa paligid. Nagsitinginan sa magkakaibang direksyon ang mga guards at kasambahay nang makita nilang umikot ang tingin ko.

"Later, Isabella. Kumain muna tayo," ani Dad at nagsimula ng kumain. Ganoon din si Kuya.

"No! I don't want to breathe the same air as you. Answer me right now so we can leave," pagmamatigas ni Mama.

"No one's leaving this house, Isabella. Not again," Dad said as he continued eating.

Mom's eyes widened and I swear I could almost see smoke coming out from her nose!

"I wouldn't have left if you said that to me 16 years ago, Kain!"

Tiningnan ko si Kuya. Kalmado lang siyang pinapanood ang pagpapalitan ng salita ng mga magulang namin.

Pasimpleng sinipa ko siya sa ilalim ng mesa.

"Ouch! Kuya Zen?! What the hell?! Why'd you kick me?!" biglang sabi ni Kyrelle. Siya pala yung nasipa ko.

Magkatabi kasi sila ni Kuya sa kabilang side habang kami ni Mom ang magkatabi. Nasa pinakapunong upuan naman si Dad.

"Sorry," sabi ko at matalim na tiningnan si Kuya nang tumawa lang siya.

Bakit ba ang kalmado niya? Hindi ba niya nakikita na halos magpatayan na itong mga magulang namin?

"I don't accept apologies. Let me borrow your car later, okay, Kuya Zen?" nakangising sabi niya.

"You are not going anywhere, Viktoria Kyrelle! Not with that lewd outfit of yours," biglang singit na sabi ni Kuya.

Napailing ako. He had always been overprotective of our little sister. Ano'ng magagawa niya eh laking ibang bansa ito?

"Ewwww! Don't call me Viktoria! It sucks! And my outfit is none of your business, Kuya Kris!" she said while rolling her eyes.

Aba't! Ako ang nagpangalang Viktoria sa babaeng 'to! How dare she!

"What, you'd rather be called Vicky?" naaasar na sabi ko.

Nanlaki ang mga mata niya.

"What the fuck, No! I hate you, Kuya!"

"Language, Kyrelle. Nasa hapag-kainan tayo," sabi ni Dad sa malaking boses na nakapagpatahimik sa amin.

Bumaling siya ng tingin kay Mom.

"You were eager to leave me years ago, Isabella. You knew very well I won't chase after you because I have a business to run."

Mom gritted her teeth. Dati pa siyang galit kay Dad dahil hindi nito maiwan-iwan ang business niya at halos wala siyang time sa amin. Never siyang nagka-time sa amin.

"I left you not because of your damn business but because you were cheating on me!"

Nabitawan ko yung kutsara at tinidor na hawak ko pati na sina Kuya at Kyrelle ay natigil sa pagkain.

Ramdam ko rin ang pagpako ng tingin ng mga kasambahay sa amin.

Lumalim ang kunot ng noo ni Dad at tiningnan si Mom. Mukhang nakalimutan na niyang kumakain kami.

"What the hell are you saying, Isabella?"

"Dad, language," singit ni Kyrelle na hindi pinansin ni Dad. Tanging kay Mom lang siya nakatingin.

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon