Chapter 75 [The End]

1.2K 36 3
                                    

"Sa'n na naman kaya nagpunta si Vann?" bulong ng batang Vince sa kanyang sarili.

Kanina lang ay kasama pa niya ang kapatid pero nalingat lang siya saglit, bigla na lang itong nawala. Wala rin ito sa buffet table na madalas ay tambayan nito kapag pumupunta sila sa mga party katulad na lang ngayon.

Nasa isang party sila kasama ang kanilang mga magulang pero hindi ito isang Kids' Party dahil puro mga matatanda at kasamahan sa trabaho ng Dad niya ang mga narito. Wala rin siyang nakitang mga batang kasing-edad niya. At higit sa lahat, walang mga mascot at clowns tulad ng mga napapanood niya sa TV.

Sanay na sila sa ganito ni Vann. Sa tuwing may party silang pupuntahan, laging ganito ang dinaratnan nila. Nakapormal ang mga bisita at nakakainip ang okasyon.

Nagpaalam siya sa Mom niya na pupunta sa CR pero ang totoo ay hahanapin na niya ang kapatid. Bigla kasi siyang kinabahan na baka may kumuha na rito lalo na't isang kilalang businessman ang Dad niya.

Someday, I will grow up to be just like my Dad but not as boring, aniya sa isip.

His dad maybe an elite businessman but he was not the best father figure. He was always focused at work. He didn't even play with them, but Vince understands him. He silently watched over his Dad and admired his work ethics.

"Vann? Where are you? We're going home! Vann!" pagtawag niya sa kapatid. Kanina pa siya naglalakad at sinusuyod ang bawat sulok ng lugar na iyon pero hindi pa rin niya ito makita.

Patuloy siya sa paghahanap hanggang sa napadpad siya sa isang malawak na garden sa likod ng hotel.

Namamanghang tiningnan niya ang paligid.

Mga puting Christmas lights na nakapaikot sa mga puno at halaman ang nagsisilbing ilaw doon at kahit gabi na, hindi siya natakot. Dahil mas matingkad ang ganda ng kapaligiran kaysa sa dilim ng gabi.

Maaliwalas din ang kalangitan at litaw na litaw ang mga bituin na tila mga nagniningning na buhangin sa langit. Bilog na bilog rin ang buwan at halos mahigit niya ang hininga sa gandang nasasaksihan niya.

Patakbong pumunta siya sa swing na naroon pero bago pa siya makarating doon, nakarinig siya ng mga hikbi.

Napatigil siya sa pagtakbo nang marinig niya iyon. Kung kanina ay hindi siya takot, ngayon naman ay biglang dinagsa siya ng matinding kaba.

He was sure he was alone, so who was the person crying?

Napalunok siya at inayos ang makapal na salamin niya sa mata. Walang tigil ang mga hikbi kaya napagdesisyunan niyang sundan ang pinanggagalingan nito.

He was curious to know who it was.

Napadpad siya sa isang puno sa pagsunod niya sa mga hikbing iyon.

Ganun na lang ang pagkagulat niya nang makita ang isang batang babaeng pasalampak na nakaupo sa likod ng punong iyon.

Nakatalikod ito sakanya at patuloy lang ito sa pag-iyak. Ni hindi nito napansin na may tao na sa likod nito.

Napatingin siya sa mga kamay nito.

May hawak itong kung ano pero hindi niya masyadong makita iyon.

Marahang lumapit siya dito at kinalabit ito.

Doon lang ito natigil sa pag-iyak at unti-unting lumingon sakanya. Mabilis ang tibok ng puso niya. Nahihiya kasi siyang makipag-usap sa mga taong hindi niya kilala. Pero hindi naman niya kayang hayaan na lang itong umiiyak.

Her eyes were so round and they were darker than the night. They were beautiful even with tears in them. Her hair was curly and messy. She was cute though. Maybe she was the same age as Vann.

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon