-VANN-
Pagkatapos ng biglaang press con na pinatawag ni Dad, mabilis na nilisan namin ang lugar na iyon.
I never imagined that my brother would go that far.
Bumalik kami sa opisina pero hindi na nag-usap sina Kuya at Dad. Sinabi lang ni Kuya na babalik siya kinabukasan para malaman ang mga dapat niyang malaman tungkol sa kompanya.
My father looked like he wanted to talk more but did not push it.
Kasalukuyan, nasa biyahe kami pauwi. I was the one driving while he was just looking out the window.
Nang tanungin ko siya kung saan niya gustong pumunta, isa lang ang sagot niya.
"Take me home to Myca."
"Kuya, are you okay?" tanong ko nang hindi ko na matagalan ang katahimikan.
"I'm fine, Vann. Medyo pagod lang. Damn, I feel like I have used up all my energy today."
I sighed. No doubt.
"Are you sure about this? Malaking responsibilidad ang pinapasok mo," sabi ko
"I'm sure, Vann. This is what I want. And it isn't just about Myca anymore."
Napatingin ako sakanya.
"What do you mean?"
He just stared outside.
"Did you see him, Vann? He's not the same. That old geezer couldn't even stand properly anymore."
"Sinasabi mo bang ginagawa mo ito ngayon dahil gusto mo siyang tulungan?"
Kuya just shrugged.
"I don't know. Main reason is still Myca, of course. But I can't let our business go down. Tayo ang naging kapalit ng paglago ng business na 'yon, Vann."
"Will you ever forgive Dad, Kuya?"
Umayos siya ng upo at sumandal sa upuan at ipinikit ang mga mata.
"I've been trying to do that for years. Pero mahirap patawarin ang taong ni hindi humingi ng tawad. But now that I have heard his side, no matter how ridiculous it seemed, I know someday I'll be able to forgive him. He is still our father after all."
Napangiti ako. This is the brother that I admired and looked up to, the one who always saw the good in people.
"Kuya, I'm proud of you."
I needed to say it.
He just smiled before he dozed off to sleep.
-MYCA-
Mabilis na tumakbo ako papunta sa sasakyang tumigil sa harapan ng bahay namin.
Hindi ko mapigilan ang luha ko nang nilapitan ko ang kabababa lang na si Vince.
Agad na niyakap ko siya at nangunyapit ako sakanya.
He lifted me up and hugged me even tighter.
"I'm home, Mine," he whispered as he kissed my cheek.
Tatlong salita. Tatlong salita pero iba ang hatid na saya sa akin.
"Welcome home, Mine," naiiyak na sabi ko at mas yumakap pa sakanya.
Hindi ko alam kung ano ang tamang sabihin ko sa ginawa niya. Palagi na lang akong sinosorpresa ni Vince. Bakit lahat ng gagawin niya, para sa akin?
"Ate, mawawalan na ng lakas si Kuya sa bigat mo. Baba na."
Marahang umalis ako sa pagkakayakap kay Vince at hinampas si Vann na tinawanan lang niya.
BINABASA MO ANG
Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. Broke
RomanceThey met in an unusual way. Vince was trying to forget the love he just lost while Myca was running away from an arranged marriage, penniless. He was heartbroken, she was broke. And fate has better plans for the two of them.