Chapter 45

925 24 0
                                    

-MYCA-

Tahimik lang kami habang naghihintay na matapos sina Len sa paglalagay ng pagkain sa mesa.

Hinawakan ko yung kamay ni Vince na nasa hita niya.

"Mine, relax," bulong ko sakanya. Sobrang tuwid kasi ng pagkakaupo niya. Ako yung nahihirapan sa kanya, eh.

Where was the ever-composed Vince?!

"You said your name's Vince, right?" mayamaya ay tanong ni Mom.

"Yes, Ma'am," pormal na sagot niya.

Gusto ko siyang pitikin sa noo. Bakit ba hindi siya kumalma?

"Huwag mo na akong tawaging Ma'am. Call me Tita."

"Okay po, Tita," nakangiti nang sabi ni Vince, medyo kumalma na. Iba talaga ang calming effect ni Mom.

Si Dad ay tahimik lang na nakatingin sa amin at kumakain.

"Is it okay if you start telling us how the two of you met?"

"Mom..." mahinang tawag ko kay Mom. Kasi naman kumakain pa eh.

"It's okay, Mycs," ani Vince sa akin at binalingan ulit si Mom.

"And sure, tita. Uhm, ang totoo po niyan... muntik ko na pong masagasaan si Myca nung gabing nagkakilala kami."

"What?" biglang sabi ni Dad.

"Dahil hinarang ko yung sasakyan niya para matakasan ko yung mga guards natin!" singit ko.

Tiningnan ako ni Vince na tila di nagustuhan ang pagsingit ko sa kwento niya. Pinanlakihan ko siya ng mata.

Eh kasi naman bakit ganyan siya magkwento! Lalo siyang hindi magugustuhan ng mga magulang ko sa ginagawa niya!

"Tapos? What happened next?"

"She said she needed to get away from the guys following her and that she had nowhere to go to, so I decided to take her in and asked her to be my maid."

Napatingin kaming lahat kay Dad nang marahas na ibinagsak niya sa mesa yung basong hawak niya.

"What did you just say?" tanong ni Dad na ngayon ay madilim na ang mukha.

"Ah-eh! Dad! Ako po yung nagprisintang maging maid. Ang totoo niyan, iiwan na niya dapat ako sa isang terminal pero dahil wala naman akong pera no'n at hindi ko alam kung anong gagawin, iyon lang ang paraan na naisip ko. At nagmagandang-loob lang siya na tulungan ako."

Tinapik ko nang mahina sa hita si Vince nang pinisil niya yung kamay ko para tumigil ako sa pagsasalita.

"I'm very disappointed in you, Myca. Hindi kita pinalaki para sumama sa isang lalaking hindi mo kilala, and worse para maging katulong lang."

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Ang sakit marinig niyon mula sa mismong ama ko. Pero ako rin naman yung may mali.

"I-I'm sorry, Dad. But at least, that decision was mine to make. Hindi tulad nung pagpilit niyo sa akin na ipakasal ako sa lalaking hindi ko mahal, ni hindi ko kilala."

"Myca, anak. I'm sorry, nag-alala lang ang Dad mo sa'yo. Pagpasensiyahan mo na siya," sabi sa akin ni Mom. "And Eli, stop butting in on our conversation. Finish your food and drink your meds, you sickly, old man."

Napatingin ako kay Mom. Hindi ko pa siya kailanman narinig na pagsalitaan ng ganoon si Dad. Or was I just too focused self-pitying myself that I failed to notice?

Napatingin ako kay Dad. Nagmamaktol yung itsura niya pero hindi na siya nagsalita at nagpatuloy na lang sa pagkain.

Sa akin naman bumaling sa akin si Mom.

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon