[3] Authority

10.4K 556 89
                                    

ASH

I still can't think of any reason as to why am I deserving of what's currently happening right now, but you have to believe me, nandito ako ngayon sa loob mismo ng office ni boss.

It's a pleasure to finally meet him, pero anak ng tokwa't baboy, bakit ngayon ko lang na-realize na sya 'yung nasa elevator kanina? For goodness' sake, Ash! Check your eyes!

Now is actually my turn for the final interview. Hindi ko rin alam kung bakit dito ako directly pinapunta. Basta ang alam ko lang, hindi ito ang final interviewing room. I know this is the boss's room, pero hindi dapat ako dito. Wala dapat ako dito. I don't know what's happening.

And you know what's more awkward and uncomfortable? Utang na loob. Nag 'ay sorry, hehe' lang naman ako sa kanya pagkatapos kong apak-apakan ang kumikinang nyang sapatos kanina. I literally have a cut-out picture of him sa kwarto ko, how come that I didn't recognize him?

Ano bang problema ko? Huhu.

At ngayon nga, nandito siya mismo sa harapan ko, nakaupo sa kanyang swivel chair, at mayroong name tag si mayor. It turned out he's one of the selection commitees, at magi-interview exclusively sa akin sabi ng HR.

Wait. Mayroon akong idea kung bakit nandito ako ngayon. Siguro dahil nga doon sa elevator encounter kanina? Siguro may isa syang apprentice na kasama dun sa elevator tapos pinatanong nya kung anong pangalan ko, so that mapatawag nya ako dito sa office nya at siya mismo ang mag interrogate sa akin.

Para turuan nya ako ng leksyon. Para ireject nya ako sa company.

Sya lang naman ang chief executive officer ng kumpanyang ito. Kaya malamang pa sa malamang, lagot ako. Paniguradong lagapak ang kahihitnatnan ko nito. Buti na lang, may data pa ako. Makakapaghanap pa ako ng panibagong company later.

Napapikit ako sa isip ko. Ilang beses kong hiniling na sana hindi na maulit dito ang nangyari noon sa mga kumpanyang inapplyan ko. Please. Kailangang-kailangan ko na ng trabaho.

Napabalik ako sa huwisyo nang biglang pumasok ang isang babae sa loob ng office ni sir Xavier. It was Ms. Aly.

"What's your major?" Tanong niya.

I tried to smile confidently. " I graduated Bachelor's degree in Computer Science po, and I can show you my skills in software developing and system programming." Nakangiti kong sabi.

Actually nakalagay na naman sa CV ko 'yun. Isn't it their job to scan the profile of their applicants?

"I know." Sabi niya.

So bakit mo pa tinanong 'te?

"Do you have good communication skills?" Sunod na tanong nito.

Again, I smiled. "Yes. I do understand what you are saying and I can clearly state out my answers and points according to your logical questions, so yeah I could say I have an excellent communication skills." Sagot ko naman sa kaniya.

Ngumiti si Ms. Aly. Points.

"Ok, next question. Are you a hardworking person?" Tanong niya muli.

What's with these questions? Ibang-iba sa mga tanong ng previous company na na-applyan ko. Usually itatanong nila kung ano 'yung weaknesses and strengths ko, bakit ako nagdecide sa company nila na magapply, kung may idea ba ako sa papasukan kong trabaho, kung meron akong NBI clearance, at kung willing akong i-spend ang career ko sa company nila.

These questions - they're bland and commonsense. Mas mahihirap pa 'yung tanong sa initial interview, I swear.

I nodded, "Yes, I am a very much hardworking person. I stick to what I am doing and I always make sure to finish what I have started. Kagaya na lamang po sa pagcocode. Hindi po ako tumitigil hanggang sa hindi ko naso-solve ang machine problem na itinask sa akin. And I think that's because I'm already inlove with programming." Sagot ko.

The Rule Breaker Boss [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon