[4] Anytime

10.3K 520 54
                                    

-ASH-

Feeling ko mag-iisang oras na ang nakalipas simula nung pumasok si Marko sa CR para maligo, at ngayon nga ay hinihintay ko pa rin sya dito sa may kusina habang nakatulala sa kawalan. Sa dami ng pumapasok sa isip ko, di ko sure kung deserve ko pa bang kumurap.

Una, kung papasok ba ako ngayon. Sabihin nyo nga guys, papasok ba ako? Should I just let go of that company after what happened? Or yeah, huwag na lang. Atras na lang siguro ako at maghanap na lang ng panibagong trabaho. Hanap na lang siguro ako ng panibagong kumpanya, at kung talagang said na said na, should I just pursue a career in a BPO? That's what I'm still considering at the moment actually. Magandang careers din naman ang ino-offer nila.

The thing is, programming talaga ang forte ko.

Pero kung sabagay, kung papasok naman ako sa Skyloft, hindi rin programming ang magiging work ko. Well, initially.

Pero 'yung sahod kasi...

Napapikit ako. Naalala ko na naman nung isang araw.

"Whenever you feel like you wanna complain to the authority, I am the authority."

Tangina, teh. Feeling ko wala akong takas. Feeling ko kung magwawala ako dun, ako pa mapapasama. Heck, baka sumama pa lalo ang image ko at mabalita ako sa tabloid hanggang sa wala nang tumanggap sa akin na kumpanya. Yep, ganyan ako kaweird mag-isip. Nilalamon kasi ako ng mga drama sa TV.

Ano kayang pwede kong gawin? Iframe ko kaya sya? Maglalagay ako ng surveillance camera sa office nya para makakuha ng ebidensya kung meron mang makukuha. Tapos ipost ko sa social media, no? Tapos syempre fake account gamit ko para shing. Alangan namang gamitin ko real account ko duh.

Hay naku. Parang dati lang pangarap ko lang makapasok sa Skyloft. Ngayon, hay.

At ang isa pang gumugulo sa utak ko, just...just why the hell is he like that?

I mean hindi ko alam. Kung susubukan ko, hindi ko alam kung anong papasukin ko. Alam ko na naman na kung tutuusin, hindi ko na ipagkakaila, magandang opportunity na na mararanasan kong maging secretary ng CEO ng isa sa pinakamalaking kumpanya dito sa Pilipinas. At isa pa, as what I always said, isa ito sa mga kumpanyang pinaka-hinahangaan ko. Eto na at may pagkakataon na ako. Ngayon pa ba ako aatras?

And If I don't, magiging masaya nga kaya ang karanasan ko kung ganon naman ang mangyayari sa akin?

Rule breaker.

Naalala ko rin nung isang araw. Hindi nyo lang alam kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko noon. Para akong aatakihin. Bukod sa first time kong ma-tense ng ganoon ay samu't sari na ring senaryo ang mga pumapasok sa utak ko kung sakaling itutuloy ko ito.

He said he's a rule breaker.

Does he mean, that kind of a rule breaker?

So, paano ako na aplikante lang nya? Wala naman akong kapangyarihan. Magiging kanang kamay lang nya ako pero 'yun lang 'yon. Maggo-with the flow na lang ba ako? Isipin ko na lang na walang nangyari? Na hahayaan ko na lang ang dignidad ko kapalit ng mataas na sahod? This is putting me in a chaotic position.

Sa iba, of course napakadaling desisyon nito. Leave that company. Accuse the boss of sexual assault. Maghanap ng ibang kumpanya dahil marami pa naman. Never look back, never go back again there. Forget Xavier. Forget my dreams. As if namang Skyloft ang may hawak ng pangarap ko, right?

At the same time, naiisip ko rin. What if...?

I mean, I may go to hell after saying this but Jesus fucking Christ, he's handsome as hell. I won't deny it. He has that appeal. At utang na loob, kailangang kailangang kailangan ko na ng pera. Anong gagawin ko, should I take it, or leave it? Take the job but I won't be making decisions for myself or I can make decisions for myself but I will have to spend another penny looking for another job?

The Rule Breaker Boss [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon