[9] Sekretarya

9K 451 21
                                    

-ASH-

Mag-isa akong pumasok kinabukasan dahil umuna na si Marko. May duty pa raw siya.

Late na rin ako actually. Buti na lang, nagmessage sa akin si boss Xavier na huwag ko na raw siyang salubungin sa lobby dahil may dadaanan pa raw siya. Kaya nagpalate na ako. Ganito ako kabuting sekretarya.

Kagabi, I made my final decision. I will continue working as his secretary, at sasanayin ko na ang sarili ko sa kanya. Ayoko nang ma-anxious nang sobra, sumasakit lang ang ulo ko. Buhay ko naman 'to and I can do whatever the hell I want.

Aside from the fact that he's considering himself a 'rule breaker' boss in this company, hindi ko rin naman made-deny na he's goddamn hot and tall and handsome as hell. Kung hindi ko lang sya boss, baka ako pa ang nanligaw sa kanya. But I have my limitations.

My limitations - na sya mismo ang nagc-cross.

What a life.

Pagkarating ko sa company, dumiretso na kaagad ako sa workplace ko sa 17th floor. Napatingin ako sa office ni boss. Nakabukas ang glassblinds. Walang tao sa loob.

Nang tuluyan akong makarating sa cubicle ko, nagulat ako sa sumalubong sa akin.

Mayroong isang grupo ng mga empleyado. Nagtatawanan sila at nagkakainan. And, kasama nila si Gerrone.

Ok. Anong meron?

Nang makita niya ako ay agad niya akong kinawayan. I walked towards them.

"I'm sorry, I wasn't able to inform you regarding this. It's a little bit late but I wanna throw a simple celebration for your job as the new secretary of our boss. l invited my friends. Congratulations!" Sabi niya, and pinakita nya 'yung ang mga inorder nilang japanese toyama black ramen with maki sushi rolls.

Of course, nakaka-overwhelm. Tingin ko kasi hindi naman kailangang i-celebrate ang ganito. But I appreciate them, really. Kahit hindi ko pa sila lubos na kilala.

"Celebrate talaga, hehe. Thanks guys." Sabi ko na lang sa kanila.

Gerrone walked towards me, and then he tapped my shoulder.

"I know, Ash. Quite confusing. But just so you know, we do this often whenever magh-hire si boss Xavier ng bagong secretary. We always tend to welcome them as part of this company, of this family." he smiled, "So that mafeel nila na appreciated sila here. May mga times lang siguro talaga naooverwhelm 'yung iba kaya kami 'yung hindi nila naa-appreciate. Just like his last secretary before you, the one na lumipat sa TrueVenture." Sabi nya.

"What do you mean?" I asked.

"Sharlott and Natasha. To be honest, Natasha was nice, snobber lang talaga. But she's nice enough na tanggapin 'yung offer naming gift and nakikain pa sya sa amin. She even treated us food. Si Sharlott -- sya 'yung naging malaking problem sa amin. She's super rude. Ang taas ng tingin nya sa sarili nya, ang baba ng tingin nya sa amin. To give you a trivia, when we hosted a simple celebration like this for her, she ignored us. Tinapon pa nya 'yung pagkain na pinrepare namin. Natasha's way better than her. After that, hindi na namin sya pinansin, ever. We also think that's the reason kung bakit sya agad tinerminate ni boss. We understand him." sabi pa nya.

Napaisip ako. Kahit dinescribe ni boss Xavier si Sharlott na magaling, if her attitude is trash, wala rin. Tama rin siguro na hindi ako kaagad nagconclude kagabi. I don't know the whole story. Naabutan ko lang sila and that's it. Besides, mage-explain pa sana si boss pero hindi ko na sya pinakinggan dahil hinihintay na ako ni Marko sa baba. Willing naman akong pakinggan sya even though hindi nya kailangan magpaliwanag.

The Rule Breaker Boss [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon