[11] Wrong

9.2K 513 72
                                    


-ASH-

Mabilis na lumipas ang mga araw. Ngayon ay ine-enjoy ko naman ang aking day-off. At oo, sa loob ng ilang araw na 'yon parang napakarami nang nangyari. It felt like I was a secretary for a month already. Which is, kung tutuusin, ilang araw pa lang talaga akong nagwowork.

But I will admit, marami na rin akong nagawa, nabasa, and with the help of my patience ang dami ko na ring namemorize na schedule, script, and mock scenarios. May mga na-encounter kasi akong common phrases na nirerespond sa mga client and/or other personnel.

Sa ngayon nga ay ang dami ko pa ring assignments na kailangan kong matapos. Kaya ko naman syang gawin, actually. Madali lang ang mga pinapagawa sa akin ni boss Xavier. It's just really his presence that bothers me. He makes me extremely uncomfortable to the point parang gusto ko na lang mabaliw.

May mga times na parang hindi ko deserve huminga sa paligid nya. May mga times na gusto ko syang sapakin.

Pero may mga times din na parang gusto kong maginitiate ng halik sa kanya. He's just too gorgeous to ignore. But of course, I am not in any place to do that. Secretary lang naman nya ako.

Sana lang, hindi nya makalimutan ang pinangako nya sa akin. Na ililipat nya ako sa field na gusto ko after this. Kapag nasatisfy sya sa performance ko.

I'm trying to do my best here. Sana hindi nya ito i-take for granted.

"Magpahinga ka na lang, Ash. Day off mo ngayon. Sina Marko at Louis na ang bahala riyan." Sabi ni tita Yen habang nag-aayos siya ng mga panindang gulay sa labas ng tindahan.

Napatingin naman ako sa dalawang mokong na kasama ko. Puro cellphone ang inaatupag. So anong mapapala ng tindahan sa kanila, 'diba? Pero sa totoo lang, malakas ang benta kapag silang dalawa ang bantay. No sugarcoating, gwapo kasi sila kaya maraming bumibili kapag mga mukha nila ang nakadisplay sa tindahan. Sa ngayon, nararapat lang na sila talaga ang magbantay.

"Ayos lang, tita. Nakakahiya eh, mukhang busy sila." parinig ko sa dalawa.

Maya-maya ay pumasok si tita Yen sa tindahan at pinagkukuha ang phone nung dalawa, "Kayong dalawa, huwag nyong ubusin ang pasensya ko. Magbantay kayo ng tindahan, hindi 'yang puro cellphone ang inaatupag nyo! ML ML pa kayo diyan, 'yung mga hugasin doon nakatambak pa! Louis, maghugas ka ng pinggan. At ikaw Marko, magbantay ka riyan. Pagpahingahin nyo 'yang si Ash!" Halos pasigaw na sabi ni tita, at saka siya umalis.

Kahit gusto kong makipagtinginan kina Marko at Louis para magpigil ng tawa, nahiya pa rin ako sa mga narinig kong sinabi ni tita Yen. She's done so many favors for me kaya naman feeling ko di ko deserve magpahiga-higa lang dito sa bahay nila kahit day-off ko. Day-off din ni Marko and I'm sure pagod din sya sa work. Might as well tulungan ko na lang sya kesa magpakaprinsesa dito sa bahay nila.

"ML pa more," pang-aasar ko sa kanila. They just smiled.

"Nagreresearch ako, lels." sabi ni Louis.

"Nagreresearch o may ka-chat na jowa?" I teased him.

He just chuckled. "Wala akong jowa," Sabi niya.

"Utot," sabi ko naman. Tumingin naman ako kay Marko. He's just containing his laugh.

"So ikaw 'yung may jowa? Correction, bagong jowa." I asked him.

"Patuhog ka muna sa akin bago ako magkaron ng bagong jowa." Sabi naman niya. Nagkatinginan pa sila ni Louis then they both laugh in unison.

I smiled at them sweetly.

Siguro kung hindi lang ako sanay sa ugali nila at super sensitive kong tao, binaril ko na 'tong mga 'to. Kaso, hindi eh. At wala rin akong baril.

The Rule Breaker Boss [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon