[12] Out

8.3K 442 85
                                    

-ASH-

Narito na kami ngayon sa kanyang kotse dahil pauwi na kami. Siya na ngayon ang nagd-drive dahil nakauwi na raw ang kanyang driver na si Roger -- the driver who bought the condoms from Marko. Ngayon ko lang din tuluyang napagtanto na iyon pala mismo ang driver ni boss Xavier.

Habang nagd-drive siya ay walang umiimik sa amin ni-isa.

I don't know. Parang kinakabahan ako na natatae na ewan. Ang daming mga pumapasok sa isip ko. Na baka hindi niya ako ideretso sa bahay namin, na baka kung saan niya ako dalhin, o kaya baka bigla siyang tumigil sa pagd-drive at may kung ano na namang gawin sa akin. Oo, ganyan na ako ka-wild mag-isip ngayon. Nagiging delulu na something na ewan.

Actually, kasalanan niya 'to. He's so unpredictable to the point na kada makakasama ko siya, especially kapag kaming dalawa lang, ang daming tumatakbong kung anu-ano sa utak ko.

"Ash," tawag niya bigla habang nakafocus pa rin sa pagd-drive.

"Po?" I asked.

He suddenly trailed off, then he sigh in silence.

"I'm sorry." Seryosong sabi niya.

Dahan-dahan akong napalingon sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa unahan habang nagd-drive. Hindi ko mabasa ang mga mata niya, at hindi ko lubos mawari kung puno ba ito ng sincerity o sarcasm.

I'm sorry.

Para saan?

"Sorry saan?" I asked him.

I waited for a few seconds, then he smiled sadly.

"I'm sorry if I'm crossing the line. I can already feel you're being uncomfortable with me. I mean, I know how pure of a person you are, and I'm out here doing weird stuffs that makes you real damn awkward. Sorry sa pagiging bastos ko. I really am." Seryosong sabi niya.

Wala itong halong kahit na anong pagka-sarkastiko o ano. He sounds genuinely apologetic.

Napatitig naman ako sa nakaside-view niyang mukha.

Although I wanted to say that's him and I accept his apology -- I still feel like I wanted more of him saying sorry. Pero masyadong mataas ang puwesto niya kumpara sa akin at nagawa niyang humingi ng paumanhin dahil sa kilos nya. That's brave and true of him to do.

That just proves that Xavier isn't really a bad person.

He just have these weird atmosphere that makes everyone label him as the rule breaker boss.

But despite those, marunong siyang magpakumbaba. At doon ako, inaamin ko, tuluyang nahuhulog ang loob sa kanya.

Isa lamang ito sa napakaraming pahiwatig na mas matimbang pa rin ang kaugalian ng isang tao kesa sa itsura nito. Kahit sabihin ng nakararami na, 'ay si ganito gusto si ganyan kasi gwapo, kasi maganda, kasi may itsura, minahal lang niyan si ganito kasi mapera, mayaman, may kotse', it's not that. Mayroon at mayroon pa ring malalim na dahilan kung bakit nahuhulog ang loob ng tao sa isang tao.

And that is, one's attitude.

I sigh.

"Ok," sabi ko nang hindi nakatingin sa kanya. Pinagmasdan ko na lamang sa bintana ang dinaraanan namin.

Hindi siya umimik. Hinintay lamang niya ang susunod kong sasabihin.

"I don't get your basis of saying 'i am pure', but let me tell you this: even me, meron din akong mga itinatago. May mga sikreto rin akong, well, sabihin na nating hindi mo magugustuhan kapag nalaman mo. And that's probably because, you know, we're human." Sabi ko, at saka ako bahagyang napangiti.

The Rule Breaker Boss [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon