(Gene at Asis model, i do not own this photo: CTTO)
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ang Tadhana ni Narding 3
League of Angels
AiTenshi
Dec 14, 2019
Humarap ako ay Cookie at nag wika "Cookie, ang bato!"
Dinukot ni Cookie ang bato sa kanyang bra at saka ibinalibag sa akin. Nahulog pa ang foam na naka lagay sa kanyang dibdib..
Hinawakan ko ang bato at nag liwanag ito ng husto sa aking kamay..
Lumakad ako patungo sa daungan at sa kada hakbang na aking ginagawa ay nag liliyab ang aking damit at umaangat sa ere ang mga piraso ang tela nito na parang papel na nasusunog...
Mula sa pag lalakad ay nag simula na akong tumakbo at bago pa ako makarating sa pinaka dulo ng seawall ay inilagay ko ang bato sa aking bibig at nilunok ito.
Inipon ko ang pinaka malakas kong sigaw at tinawag ang pangalan anghel na nag kaloob sa akin ng lakas..
"NARDO!!!"
Part 5: Gene at Asis
Lalong nag kagulo ang lahat noong makita ang isang malaking ibong nag aapoy sa itaas ng kalangitan. Nag tuloy tuloy ako sa pag lipad patungo sa kanila hanggang kusang maipon ang lahat ng apoy sa aking kamao at isang malakas na suntok ang hinataw ko sa kinalalagyan ng mga kalaban. Sa isang atake ay nasira ko ang kanilang mga protective shield, gayon rin ang kanilang sasakyan na nag simula nang lumabas ang tunay na anyo.
Kitang kita ng lahat ang sasakyan ng mga dayuhan sa ere, para lamang itong piraso ng maitim na kahoy na nakalutang sa ere. Nasa ganoong posisyon kami noong biglang nag liwanag ang baril ng bagong babang kalaban at mabilis itong ipinutok sa aming kinalalagyan. Pero hindi ako natinag, ginamit ko ang aking kalasag sa kamay at sinangga ito. Hanggang sa nag kasunod sunod na ang kanilang pag atake ngunit ang lahat ng ito ay iniiwasan ko lang.
Nasa ganoong pag atake sila noong biglang may pumalupot na ahas sa kanilang mga katawan at sumabog ito na parang malalakas na bomba. Sa ibaba ay nakita ko si Bart na nakatayo sa kanyang higanteng sawa at naka kunot ang noong tumingin sa akin. "Bakit sumunod ka pa dito?" tanong niya.
Bumaba ako sa kanyang tabi at kinatukan siya sa ulo "hindi ka dapat sugod ng sugod. Paano kung patibong iyon?" tanong ko.
Dumura si Bart. "Pwe, hindi nila ko mapapatay, kahit pag pira pirasuhin pa nila ang katawan ko ay babalik at babalik lang rin ako." ang mayabang niyang sagot.
BINABASA MO ANG
Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELS
FantasyAng League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 2020 ay malugod kong binubuksan ang kanilang pahina upang lumipad at harapin ang mga bagong pag subok na parating sa kanilang tadhana. Muli nat...