PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ang Tadhana ni Narding 3
League Of Angels
Season 3
AiTenshi
Feb14, 2020
Pag bagsak ng isang malakas na kidlat ay sabay sabay kaming tumingala at lumipad ng sabay sabay..
Gumuhit ang limang mga kakaibang kulay sa kalangitan at nakita pa namin na itinaas ng lahat ng kawal sa baba ang kanilang mga sandata bilang pag bibigay ng suporta sa amin..
Nakaguhit na sa ating mga palad na tayo ay paulit ulit na daraan sa mga pag pasubok. At kahit ano pang ibato sa atin ng kapalaran ay may laban tayo..
Tayo ang huhubog sa ating mga tadhana..
Part 101: Ang Paraiso sa Buwan
Nag tuloy tuloy kami sa pag lipad hanggang sa makalabas kami sa atmospera ng mundo at dito makikitang sumibat ang limang liwanag patungo sa buwan. Gumuhit ang aming mga enerhiya sa kalawakan na parang isang bahagharing sumulpot sa kadiliman.
Habang nasa ganoong pag lipad kami ay nag liwanag ang buwan at maya maya bumukas ang portal nito na para bang inaanyayahan kaming pumasok sa loob. Ang nakapag tataka ay walang balakid, walang pumigil sa amin kahit na ang mga hukbong naka kalat sa orbit ng planeta. Para kaming espesyal na bisitang o panauhing tinanggap nito.
Pumasok kami sa portal ng buwan, para itong tunnel na gawa sa bakal at noong makalusot kami dito ay natagpuan namin ang aming mga sarili sa isang dambuhalang palasyo. Ang mga haligi ay nag lalakihan at talagang matatayog. Pamilyar ang disenyo nito, hawig na hawig sa mga haligi ng templo sa ehipto. Marami ring mga obelisk na may nakasulat na mga hieroglyphics characters at iba't ibang simbolo. Nakakalula rin ang mga sukat nito na parang higante ang naka tira.
BINABASA MO ANG
Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELS
FantasyAng League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 2020 ay malugod kong binubuksan ang kanilang pahina upang lumipad at harapin ang mga bagong pag subok na parating sa kanilang tadhana. Muli nat...