LOA S2 Part 56: Pag kakamali ng Nakaraan

1.2K 96 9
                                    

Cover by Accel Villalobos

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cover by Accel Villalobos

**********

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 2

AiTeshi

Jan 25, 2020

Nasa ganoong pag kabigla kami noong mag liwanag ang aming kinatatayuan at mula sa lupa ay may mga kamay na humila sa amin sa ibaba para ilubog dito.

Kapwa kami nilamon ni Irano sa isang uri ng portal sa ilalim ng lupa, patungo sa lugar na hindi namin malaman kung saan. Batid kong pinag hiwalay kami upang hindi makapag tulungan sa mga kalabang umahon mula sa kanilang sagradong pag kakahimlay.

Part 56: Pag kakamali ng Nakaraan

IRANO POV

Nahulog ako sa kakaibang portal sa lupa at noong bumulusok ang aking katawan dito ay natagpuan ko ang aking sarili sa isang malawak na kagaratan. Tahimik at malamig ang buong kapaligiran. "Dinala tayo ng portal pabalik sa isang makasaysayang lugar dito sa Iranya. Tama ka Irvin, ang lugar na ito ay ang eksaktong lugar kung saan kayo nag laban ni Braun." ang wika ni Mirai.

Nilinga linga ko ang aking paningin sa paligid hanggang sa maramdaman kong mayroong isang lalaking nakatayo sa aking likuran.

Tahimik..

Pinakiramdaman ko ang kanyang susunod na gagawin. Nag tatakbo ito patungo sa akin at mabilis na hinataw ang kanyang espada sa aking likuran kaya naman humarap ako sa kanya at itinulak siya gamit ang tubig sa paligid. Ang lalaking umatake ay si Kiran.

"Irvin, mayroon ulit parating sa iyong ibaba!" ang wika ni Mirai kaya namang pinataas ko ang tubig sa ere at dito ako sumakay. Mula sa ilalim ng tubig ay nakita ko si Braun hawak ang kanyang sibat na gawa sa kristal na itim.

Dalawa ang aking kalaban. Sina Kiran at Braun na binuhay o ginawa ni Enki. "Hindi ko naramdaman na si Enki ay nasa katawan ni Enoch. Sadyang mahusay ang pag kakabigkis sa kanya kaya't kahit ang katiting na awra nito ay hindi ko nasagap. Ang diyos na si Enki saklaw ang kalupaan, sa makatuwid ay saklaw rin ng kanyang kapangyarihan ang humubog sa luwad at ibalik ang mga nawala."

"Ano ang pag kakaiba nila sa orihinal?" ang tanong ko.

"Hindi ko alam Irvin, pero batid kong kapareho lamang rin sila ng dati." ang sagot ni Mirai.

"Si Kiran, isa siyang kapanalig diba? Bakit inaatake niya ako?" tanong ko ulit.

"Maaaring binura na ni Enki ang kanyang ala-ala at pinalitan ito ng hindi maganda sa paraan na ikaw ay kanyang kamumuhian. At tungkol kay Braun, huwag kang mag alala dahil wala na ang sagradong itim na kapangyarihan sa kanyang katawan. Sa palagay ko ay hindi na siya ganoon kalakas katulad ng dati." ang wika niya at habang nasa ganoong pag uusap kami ay umangat ang mga itim na kristal ni Braun sa ere at lumipad patungo sa akin.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon