LOA S3 Part 67: Masayang Araw

1.3K 100 14
                                    

PAUNAWA:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 3

AiTenshi

Jan 29, 2020

Part 67: Masayang Araw

Isang buwan pa ang lumipas at lahat kami ay naka recover na mula sa labanan. Bumalik sa normal ang aming mga buhay. At dahil sa misyon ay tuluyan kaming na alis ni Cookie sa aming trabaho sa hotel. Kaya naman nag tinda na lamang kami sa harap ng aming bahay ng mga pritong manok at inihaw na isda. Si Bart naman ay nakahanap ng trabaho bilang part time na modelo sa isang agency. Normal ang aming buhay, katulad ng dati ay walang karangyaan, simple lamang ngunit masaya.

May mga gabing nakakatulog ako ng mahimbing at may mga gabing kung ano ano ang napapanaginipan ko kaya't bumabalikwas ako ng bangon sa higaan at binabalot ng matinding kaba o pag kabalisa. Bagamat unti unti kong nararamdaman na bumabalik na ang aking lakas at may kinang na ulit ang aking mahiwagang bato.

"Bili na kayo! Yung mga gwapo ay may libre halik sa akin! Lips to lips! Torrid kissing! Dila sa dila!!" ang maingay na sigaw ni Cookie na talagang tumatawag ng atensiyon. Ako naman ay abala sa pag pprito ng manok.

"Matatakot sila bumili kapag ganyan ang isisigaw mo." ang wika ko.

"Naboboring na akong maging tindera ng isaw isaw Narding. Bumalik na tayo sa hotel, tutal nag text naman na yung manager na may gusto sayo. Nag sisisi na raw siya na inalis niya tayo. Nag aamoy usok na yung beauty ko dito. Gusto ko na ulit maging isang Aluguryon sa otel." ang maarteng wika nito.

"O mayroon bagong bukas na bar doon sa kabilang kanto. Kung gusto mo ay doon ka nalang mag Aluguryon." ang tugon ko.

"Ayoko nga no, dumaan ako kagabi doon. Puro pokpok na babaeng may mga lawlaw na suso nag sasayaw doon. Di naman magaganda, halatang mga laspag na. Mag eexplore ka naman kasi Narding, wag puro ahas ni papa Bart ang ineexplore mo!" ang wika nito sabay salin ng suka sa plastic. "Jusko, ang dami pang tinda, kailan pa mauubos ito?"

Habang nasa ganoong posisyon kami ay may humintong magandang sasakyan sa aming harapan. Mula dito ay bumaba si Jorel, naka suot ng simpleng tshirt, short at naka salamin sa mata. Sa likod naman ng sasakyan ay sumilip si Ace na noon naka ngisi. "Hello kuya Cookie!!" ang bati nito.

Agad akong na punas ng kamay. At lumapit sa kanila. Niyakap ako ni Ace at gayon rin si Jorel na tinapik ang aking balikat. "Long time no see! At buhay tayong lahat!" ang wika ni Jorel, ngayon ko lamang ulit sila nakita pag katapos ng misyon bagamat alam ko naman na ligtas sila at maayos.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSWhere stories live. Discover now