Cover by Cedrick Fabros Udarbe
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ang Tadhana ni Narding 3
League of Angels
AiTenshi
Dec 14, 2019
"Isang tanong lang ang nais kong bitawan. Kayo ba ay kapanalig o kalaban?" tanong ni Bart.
"Kami ay inyong kapanalig. Kami ay kapanalig at naniniwala kay Panginoong Rashida. Ang maramdaman muli ang kanyang awra ay nag bibigay ng kakaibang init sa aming mga katawan. Nagagalak ang aming mga puso."
Part 6: Siyam na Trono
"Umiinom ba kayo ng milk tea mga bes? Masarap ito 50% sugar nga lang kasi ay nakakataba." ang wika ni Cookie habang nag seserve sa mga bisita. Naisipan namin na dito na lamang sila patuluyin sa aming tirahan upang makausap ng maayos. Hiniling rin nila na ibaba ang aming mga awra sa 0% para walang bakas kami ay mararamdaman mula itaas.
"Kuha mo nalang ako ng gatas." ang wika ko naman habang naka upo.
"Papa Bart, gatas daw si Narding. Bigyan mo nga!" ang sagot ni Cookie.
"Wala ako sa mood mag timpla. Nag bibihis ako e." ang sagot ni Bart sa kwarto.
"Wala daw siyang tamod dahil nag bibihis siya!" ang wika ni Cookie sa akin. Yung salitang mood ay pinalitan niyang tamod.
"Sira, kape na nga lang. Basta mainit. Sumasakit yata yung sikmura ko." ang tugon ko.
"Siguro kaya sumasakit ang sikmura mo ay dahil nag nectar ka kaninang umaga. Diba ang bilin ni inay ay huwag haharvat kapag walang lamang ang tiyan dahil masama raw iyon. Ang tigas tigas talaga ng ulo mo Narding! Magagalit si inay at mumultuhin ka niya dahil hindi mo sinusunod ang golden rules of harvatification!" ang wika ni Cookie na puro kalokohan ang sinasabi. Samantalang ang mga bisita naman na sina Asis at Gene ay walang maunawaan sa kanyang pinag sasasabi.
Maya maya ay umupo si Bart sa kanilang harapan. "Paano kami makakasigurado na totoo ang mga sinasabi ninyo? Na kami ay hindi niyo niloloko?" ang tanong nito.
Nag alis ang dalawa ng kanilang kalasag sa ulo at inlais rin nila ang kanilang mga salamin. Dito ay tumambad sa aming mga mata ang kanila anyo. "Dahil kami ay kawangis ninyo. Nilikha kami ayon sa wangis ni Panginoong Rashida. At pareho lamang ang diyos na luminang sa atin, hindi pa ba sapat na patunay iyon na kami ay kapanalig? Nag mula kami sa malayong galaxy at gumamit kami ng pinaka mataas ng teknolohiya upang makarating dito ng mas maaga." ang tugon nila
BINABASA MO ANG
Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELS
FantasyAng League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 2020 ay malugod kong binubuksan ang kanilang pahina upang lumipad at harapin ang mga bagong pag subok na parating sa kanilang tadhana. Muli nat...