Alterrasalitaan 1

3.5K 79 3
                                    


Túan – (too-wan)

- tawag-paggalang sa binatang na may mataas na katayuan sa mga lipon ng mga Maharlika

- maaring anak na lalaki ng Lakan o Pinunong hindi sakop ng monarkiya

Wahad – isa sa tatlong Sinaunang lahing nanirahan sa Alterra na pinaniniwalaang nagmula sa karatig na lupaing nasira dahil sa pagsabog ng mga bulkan

- Nagkakaisang Lipi na binubuo ng siyam na tribo

- kilala sila sa kanilang galing sa pakikipaglaban, pangangaso, pagsasaka at pakikidigma

Baylan – babaeng may natatanging kakahayahan o sumailalim sa mga pagsasanay upang makipag-usap sa mga Bathala

Bathala – grupo ng mga makapangyarihan at immortal na nilalang na nakatira sa Kalangitan

- tawag sa labing-isang diyos at diyosa ng Alterra

Lakan – titulo ng katas-taasang pinuno ng Nagkakaisang Lipi ng Wahad

- warlord

- sa kaugalian ng Wahad, ang pinakamakapangyarihan, pinakamaimpluwensiya at may pinakamalakas na kakayahan sa pakikidigma ang itinatalaga ng mga Lipi upang maging Lakan, nakakamit sa pamamagitan ng paglalaban-laban ng mga kinatawan ng siyam na Lipi ng Wahad

Dáyan – (da-yan, katunog ng bayan)

- tawag-paggalang sa dalaga o babaeng may mataas na katayuan sa lipunan sa hanay ng mga Maharlika

- titulong katumbas ng Túan

Ginoo – tawag-paggalang sa mga lalaki

- maaring gamitin bilang tanda ng paggalang kung hindi alam ng isang tao ang katayuan ng kaniyang kausap

Binibini – tawag-paggalang sa mga dalaga

- katumbas ng Ginoo

Punong Baylan – ang 'Hinirang ng Kalangitan' na namumuno sa mga Babaylan

- ang Baylan na may pinakamalakas na kapangyarihang espiritwal at kinikilala ng tatlong Sinaunang Angkan bilang kinatawan ng mga Bathala

Babaylan – samahan ng mga Baylan

- hindi kabilang sa mga Punong Angkan, subalit may malaking impluwensiya sa lipunan at sa mga pinuno ng mga pangkat

- nahahati sa mga sektang may kani-kaniyang Templo

Rani – titulo ng reyna ng kaharian o monarkiya gaya ng Alfur

- ang pagiging Rani ay namamana lamang ng mga Dugong-bughaw

Ra – titulo ng hari ng isang kaharian o monarkiya gaya ng Alfur

- Katumbas ng Rani

Alfur – isang tagong kaharian na matatagpuan sa sanlupain na nasa hilagang-kanlurang bahagi ng Alterra

- napapaligiran ng mga kagubatan, kabundukan at ng makapangyarihang Balani o salamangka kaya walang taga-labas ang maaring makapasok rito

Alv – ang pinakamapayapang pangkat sa tatlong Sinaunang lahi sa Alterra na may mga kakatwang katangian at anyong naiiba sa Wahad at Tao. Mapusyaw ang buhok at maputla ang balat.

- pinaniniwalaang nanggaling sila isang maliit na lupain sa kabilang panig ng mundo na lumubog sa ilalim ng dagat

- pinaniniwalaang marami silang tinatagong lihim na ritwal, Balani o salamangka na galing pa sa kanilang mga ninuno sa kanilang lupaing pinagmulan

Panginoon – tawag-paggalang sa Lakan, Pinuno, Ra, Túan, Ladya o sinumang may mataas na antas ng katayuan sa hanay ng mga Maharlika at Dugong-bughaw

- panlalaki

Paladin – mga lalaking may natatanging kapangyarihan o kakayahan sa pakikipaglaban na napili upang maging tagapagtanggol at kanang-kamay ng isang Baylan habang siya ay nabubuhay

Balani – salamangka, mahika, pambihirang kakayahan o kapangyarihan na sinasabing Kaloob ng mga Bathala (taglay na sapul sa kapanganakan) o bunga ng mga ritwal at gayuma

Pinuno – tawag-paggalang sa Kasangguni (pinunong pinili sa pamamagitan ng paghalal) ng mga Tao

- pangulo, presidente

Tao – ang pinakamatanda at pinakaunang lahing nanirahan sa Alterra

- kilala sa kanilang talino at pagiging malikhain

- may pinakamalaking populasyon sa Alterra

Sinauna – tawag sa tatlong pinakamatandang lahi sa Alterra—ang Wahad, Alv at Tao

Zi dingir kia kanpa! – mula sa wikang Wadd na ang ibig sabihin ay "Bathala ng Lupa, inyong alalahanin!" bilang papuri sa Bathala ng apoy, bulkan at pag-ani na si Lalahon

Bathaluman sugo ng mga Bathala, taguri kay Yesha; ang pinakauna at pinakamakapangyarihang Baylan na naging dahilan upang magkaisa ang mga Sinaunang naninirahan sa Alterra

Hadon (Wahad), Alev (Alv), Terin (Tao) – Tatlong Sinaunang Tagapagtatag ng Alterra

Punong Angkan – labimpitong angkan na bumubuo sa Sandugo

- binubuo ng siyam na tribong Wahad, ang Unang Mag-anak at ang Sangay na Mag-anak na Dugong-bughaw ng Alfur, at anim na Maharlikang pangkat ng Tao

Ladya – lalaking anak ng Ra/Rani o miyembro ng Sangay na Mag-anak ng mga Dugong-bughaw ng isang kaharian, gaya ng Alfur

- katumbas ng prinsipe

Hara – babaeng anak ng Ra / Rani o miyembro ng Sangay na Mag-anak ng mga Dugong-bughaw ng isang kaharian, gaya ng Alfur

- katumbas ng prinsesa

Kamahalan – tawag-paggalang sa mga Dugong-bughaw ng Alfur

AlterraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon