Class 12: Yuri and Risu

1.2K 38 2
  • Dedicated to Cz Amante
                                    

Class 12: Yuri and Risu

                Nasa loob ng isang green studio, matapos ang pictorial ni Yuri ay inasikaso na sya ng kanyang mga assistant upang isagawa ang susunod na photoshoot.

Fujisato yuri’s point of view:

                Hindi na ako nakakapasok ng sunod-sunod nitong mga nakaraang araw. Tumingin ako sa schedule board na naka-paskil sa table kung saan ako nauupo. Punong-puno pa iyon.

“Mitsuki, ang celphone ko.” Sabi ko. Kinuha ng isa sa mga assistant ko ang telepono at binigay sa akin.

“Ito na po.” Sabi nito sabay bigay sa akin ng celphone. Ngumiti ako at tinanggap ko ito.

               

Tiningnan ko ang reminders ng calendar ko, malapit na ang susunod na exam sa buwang ito… at ang kaarawan din ni Risu. Nanliit ang mga mata ko.

Si Risu… hindi ako galit sakanya, kaibigan ko sya, inosente sya… kung mayroon man mali sakanya, yun ay mayroon sya ng lahat ng gusto ko.

              

  “masama ang pakiramdam ko.” Bigla ko na lamang nabanggit.

“hindi ko na kaya mag trabaho pa, uuwi muna ako ngayon.” Dugtong ko pa. Tinanggal ko ang kahit anung pwedeng tanggalin sa katawan ko, ang mga alahas, ang panali sa buhok, ang make up.

                Maya maya lamang ay pinagdrive na ako ng aking private chaperon. Nakatingin ako sa nag-gagandahang ilaw ng syudad. Ginabi nanaman ako sa kakatrabaho.

                Sa totoo lang hindi ganun kaganda ang mga grades ko, kaya nga mas pinili kong mag work as model kaysa sa magaral sa paaralan. Wala rin naman palage ang mga mommy ko sa bahay. Wala akong kapatid. Si Risu lang ang kaibigan ko noon pa.

Flash back:

                Wala akong mga kaibigan, ayaw ng mommy ko sa mga normal na tao, sa mga hindi namen kalebel. Binibigay nila ang lahat ng kailangan ko, mga laruan, mga libro, mga katulong, mga kalaro na alam ko namang binayaran lang nila. 

                Isang araw, galing kami sa pamimili ng yaya ko. Sa isang parke malapit sa mansion, nakita ko ang mga bata masayang masayang naglalaro. May isang batang babae, nakita ko sa karatig bahay, na wala sa palaruan. May hawak na lapis at papel.

                Hindi ko alam, kung bakit namangha ako sakanya. Kung bakit parang hindi ako makatulog sa kaiisip sa hiwaga ng batang babae. Siguro gaya ko lang din sya, na hindi hinahayaang lumabas ng basta-basta at napipilitan na sa loob na lamang maglaro.

                Araw-araw kinukulit ko ang yaya ko, na bumili kame ng kahit ano… para magkaroon ako ng dahilan para makita yung batang babae. At araw-araw, hindi nagbabago kung saan sya nakapwesto at doon ko pa rin sya nakikita.

                Hangang sa isang araw, galing muli sa pamimili, hindi ko nakita ang batang babae sa bahay nila. Pauwi na kame, pero ayaw ko pa sana. Kung kaya’t tumakas ako sa yaya ko, habang binabayaran nya ang laruang pinabibili ko ay sumaglit ako para hanapin yung batang babae.

                Matagal ko syang hinanap at pilit ko rin sinnisilip yung bahay kung saan ko nakikita yung batang babae, inabot na ako ng hapon. Wala sya roon, naghanap pa rin ako. Hindi na ako nakita ng yaya ko at maging nang taga-hatid ko. Sa kakalakad ay pumunta na lamang ako sa parke kung saan malapit lang ang bahay nung batang babae , nagduyan ako,umiiyak ako ng mahina… wala na din kasing mga bata ang naglalaro doon.

[YGA] Your Guardian Angel [COMPLETED]Where stories live. Discover now