Class 15: The Pendant

1.1K 37 4
  • Dedicado a Princess Kassy Sabilona
                                    

Class 15: The Pendant

               

Tahimik ang lahat.

Rexielle’s point of view:

               

Nanginginig si Risu. Basang-basa ang uniform nya ng dugo ko.

Baka magalit sya sa akin. Ngumiti ako ng bahagya, namumuo na ang mga luha sa mata nya.

Haha. Hindi ako sanay.

Pinilit kong makaupo, pero mahigpit ang kapit nya sa akin.

               

Kumikirot yung sugat.

Tinakpan ko ang mga mata nya at bumulong sakanya.

“Wag kang iiyak.” Sabi ko.

“Samahan mo ako sa clinic dali… may ipapakita ako sayo.”paganyaya ko pa sakanya.

               

“Kihori-kun~” sabat ng isang kamag-aral na babae. Nginitian ko din sya. Alam kong hindi makapag salita ang iba.

               

Tumayo si Risu, tinulungan nya din ako.

Inakbayan nya ako at inalalayan papalabas ng pinto.

Ramdam ko ang panginginig nya, na gusto nya na umiyak.

               

Ang lakas mo… Risu~chan… Napangiti ako ulit

End of Rexielle’s P.O.V

 

Katayori’s point of view:

               

“Sira ulo ka ba?” sabi ko.

Hindi ko alam ang iisipin. Nakalabas na kame ng classroom.

Ang tahimik pa rin ng lahat.

Sinara ko ang pinto. Bumitaw si Rexielle sa akin.

“hoy. Anu ba…?~” sira ulong lalaking to.

               

Napaupo sya sa labas ng pinto. Hinawakan ng kaliwang kamay nya ang dingding.

Malakas  na asul na ilaw ang lumabas sa mga kamay ni Rexielle.

Papaloob sa silid aralan.

“a… anong?” tanging nasambit ko. Wala ako sa mood makipagbiruan o gawing biro ito. Hindi ko alam… Maya-maya lamang ay nawala na ang ilaw.

“A…Anong ginawa mo?” ang kakabakaba kong tanong. Lalo kasing nagdurugo ang sugat nya.

               

“Sa gayon, hindi nila maaalala na sugatan ako.” Sabi ni Rexielle. Ngumiti ulit sya.

[YGA] Your Guardian Angel [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora