Class 13: The Childhood friend

1.2K 38 3
  • Dedicated to Norielyn Sequito
                                    

Class 13: The Childhood friend

Katayori’s point of view:

Achoo~

bumahing ako.

Hinawakan ko ang ilong ko, may sipon… yuck.

Kukuha sana ako ng tissue, pero wala na palang natira sa mga nakaroll. Biglang may kamay na nagabot sa akin ng panyo.

               

Si Rexielle yon. Kinuha ko ang panyo nya, ginamit ko, at sininga ko ang sipon ko ng pagkalakas-lakas. Tinitingnan nya lang ako.

Wala akong pakialam.

               

“ako naman maglalaba nito, kaya hindi ko na ibabalik.” Sabi ko sakanya.

Oo, baboy na pero wala akong paialam. Bigla ko lang napansin na nakasilip pala sya sa kurtina na ginawa naming division sa kama.

“Privacy.”dagdag ko pa at tiningnan ko sya ng masama.

               

Di ko namalayan tumulo na nanaman ang sipon ko, nakaramdam ako ng hiya. Medyo nalasahan ko pa yata.

Kadiri lang.

Napansin kong ang pagsinghal ni Rexielle na tila ba handa na itong tumawa ng malakas. Kaya ayan pinunasan ko ulit ang ilong ko at nilublob nanaman ng isa kong kamay ang ulo ni Rexielle sa unan.

               

“kgohdsvouv~ , ndhsuuu.” Pagmamakaawa nyang sinasabi.

Hindi ko yun maintindihan kung kaya binitiwan ko na sya. “sorry na.. eto naman. Ang cute mo kasi eh.” Sabi nya pa, sasamain talaga to saken.

“isa pa?” sabi ko naman.

Bakit ba ang corny ng anghel na ito? Wala na ba syang ibang alam kundi icompliment ako?

               

I mean hindi naman masamang bagay ang pagcompliment pero sobra na eh, kulang na lang lumaki ulo ko at pumutok.

Pero hindi mangyayari saken yon.

               

Gabi na pala, ang bilis lang. Buti ngayong araw wala namang kababalaghan ang nangyari, wala masyadong mga bruha, walang mga malditang magaaral, walang pasiklaban ng kung ano man. Yung tuition ko lang. Haisss…. Humiga ako na nakatalikod sakanya.

               

“Neh, Risu gising ka pa?”, tanong ni Rexielle.

“aba’y hinde.”sagot ko.

Isa pa tong lalaking to, isa pa pala sa mga alalahanin ko.

“waaahhh… ang sama.”nagpoupout nitong sinabi.

               

Nakakaasar.

Nagpapacute nanaman?! Hindi ko sya tinitingnan.

[YGA] Your Guardian Angel [COMPLETED]Where stories live. Discover now