Class 18: The answer

1.2K 29 1
  • Dedicated to Ghraze Hermano
                                    

Class 18: The answer

                Kinaumagahan habang natutulog pa ang lahat, naunang nagising si Risu. Pumunta sya sa may tabing dagat at umupo sa may buhangin. Pinagmamasdan ang unang pagsikat ng araw. Di naglaon ay dumating si Suiji.

 “Magandang umaga, Risu.” Nakangiti nyang sinabi.

“anong maganda sa umaga?” sarkastikong pagsagot ni Risu.

“Ikaw.” Banat naman n Suiji. Napatingin si Risu ng matagal kay Suiji, may halong pagkairita.

              

  “hahaha! Sobra ka naman, ganyan ka ba kainis sa akin, Risu?”dagdag pa ng lalaki. Tumabi si Suiji kay Risu, at umurong naman ang ating bida.

Katayori’s point of view:

               

Hanep ah.

Makabanggit ng pangalan ko parang sobra kameng close. Anong meron?

“neh, Risu… gusto mo bang magbangka muna tayo? Masarap ang hangin at mas Masaya manuod pag may kasama.” Sabi pa ni Suiji.

“oh bakit hindi na lang si Yuri ang yayain mo? Di ba sya ang gusto mo?” sagot ko. If I know, sineset up nanaman ako ni Yuri dito.

“ikaw ang kausap ko” sabi nya lang at ngumiti sa akin.

Ay… parang tanga lang? ano to? Si Rexielle the second? Tumatayo ang balahibo ko. Kung kaya’t ini-snob ko na lang sya.

Pinagtritripan ako ka-aga-aga.

                Tumayo ako sa pagkakaupo at akmang aalis na nang hinawakan nya ang braso ko. Neto ko lang napagtanto na ang sweet ng atmosphere, nag-ririse na yung sun tapos maririnig ang huni ng mga bagong gising na ibon at parang nagslowmotion.

Kaso… agad ko rin tinanggal ang pagkakahawak nya sa braso ko.

Ang corny ah… ano to telanovela?

               

“magtigil ka nga, babalik na ako. Kung balak mo mag-muni muni.. eh aba, mag-isa ka.”sabi ko. Naglakad na ako papalayo. Kakain na lang ako at nagugutom ako.

“Pakinggan mo muna ako…” sabat pa ni Suiji. Patuloy ang paglalakad ko.

“Please! Risu.” Pagmamakaawa nya.

               

May puso naman ako…, kaya buhay pa ako.

Sige pagbibigyan ko na.

Tumigil ako sa paglalakad, mga dalawang metro ang layo namen sa isa’-isa. Napansin ko na tumayo ng maayos si Suiji.

[YGA] Your Guardian Angel [COMPLETED]Where stories live. Discover now