Class 24: The threat

1.1K 31 2
                                    

Author's note:

Thank you so much for silently reading the stories, commenting and voting~ I hope na tumatak sa inyo ang story na ito. :) This is all about llife, friendship, hardships, and you know the history. Enjoy~

Class 24: The threat

                Alas otso na ng umaga. Hindi pa rin nagpapakita ang haring araw.

Maulap ang kalangitan, ang dilim na hatid nito’y sinyales na parang may malakas na ulan ang paparating. Walang huni ng ibon o di kaya mga hayop na gumagala sa kalsada. Wala na ring mga tao ang nasa labas pa.

Iniulat sa balita, na pumirme na lamang sa kanilang mga tahanan ang mga residente sakali mang lumakas ang ulan.

 Wala nang pasok ang mga paaralan, liban sa eskwelahan nila Risu.

Habang sa kabilang bahagi naman, ay kakagising lamang ni Risu sa mga braso ni Rexielle. Ito ang unang beses na nagtabi  na sila ng tuluyan sa higaan. “Ri~chan. Magandang umaga.” Nakangiting banggit ng binata sa kanya. Nakatitig lang ang anghel sakanya, na tila ba hindi na nito nais pang pumikit pa.

Katayori’s point of view:

                Ang lalaking ito… parang kailan lang… parang kailan lang napaka childish ng taong ito umasta.

Bakit parang ang laki ng pagbabago nya? Matagal ko nang alam na may hitsura naman sya, gwapo nga sya kung tutuusin.

Matangkad, effortless kasi talagang ang daming alam,…

marami bang alam ang natutulog lage sa eskwelahan?...

at magaling sa lahat ng bagay…

kahit tyamba lang naman yung sa basketball at pati na rin siguru sa mga paligsahan… o sadyang matakaw lang kame…?

At… at… ewan ko ba…!

joke lang pala. Ano pa bang maganda sakanya?

Haiisss… sira ulo talaga ako.

Hindi naman ang mga bagay na yun kung bakit ako naguguluhan eh.

Ang pakiramdam na to… corny kainis! Pero~….

Tumitibok yung puso ko habang nakatitig din ako sakanya. Kahit dilaw ang kulay ng mga mata nya, nalulunod ako… ANO BA ANG CORNY KO NA TALAGA!

Pero… ang mga bagay na ginagawa nya para sa akin… ang mga pinagdaanan namin… Ang pagaalala nya palagi, ang mga ngiti nya, ang kanyang seryoso at makulit na anyo… Ang mga ginawa nya para matanggap ko ang mga bagay bagay… at ang matanggap rin ng ibang tao…

 Naiintindihan ko na ngayon… pakiramdam ko… naging tao ako para maintindihan ang mga ito… na noon ay hindi man lang pumasok sa isip ko dahil wala akongpakialam… pero mali…

My Guardian Angel                     3

May pakialam ako… hindi lang ako gumagawa ng kahit ano… para maintindihan ako ng mga tao…at ngayun… ramdam ko ang pagbabago…

[YGA] Your Guardian Angel [COMPLETED]Where stories live. Discover now