Class 20: Alteration of Colors

1.2K 28 1
                                    

Author's note:

Hello there~ matagal tagal a hindi nakapag author's note~ Kindly vote and comment po sana each chapter to let me know po kung ano man ang inyong raction. Thank you~ enjoy~

Class 20: Alteration of Colors

                Isang malakas na sampal. Nasa loob ng storage room ng school gym si Yuri at si Akito. Namumula ang pisngi ni Yuri. Lunch break ng mga oras na ito.

               

“Nakakahiya ka, at tinatawag mo ang sarili mong best friend ni Risu?” asik na pagsabi ni Akito.

“ngayon? Paano mo aayusin ito? May dalawang lalaking hindi nagkakaintindihan dahil sa kagagawan mo. At malala pa, ikaw na best friend ng matalik kong kaibigan ang nananakit sakanya!” sigaw pa nito. Umiiyak lamang si Yuri.

               

“patawarin mo ako… hindi ko alam ang gagawin… hindi ko inaasahan ito. Akito… please lang… tulungan mo ako.” Paghingi ng tulong ni Yuri.

               

Bumunting hininga si Akito.

“naiinis ako sayo. Baka kung ano pa ang gawin ko sayo! Hala! Mag-iisip ako ng pwede nateng gawin, at ganun din ang gawin mo!” naiiritang sabi ni Akito. Binuksan nya na ang pinto at lumabas.

               

Umiiyak pa rin si Yuri sa loob ng storage room.

                Natapos na ang lunch break. Bumalik na ang lahat sa kani-kanilang mga upuan. Inaantay ang susunod na magiging guro. Halos trenta minuto na ang lumipas at di pa rin ito dumarating.

                Kinakausap ng karamihan si Risu, sapagkat noong nakaraang mga chapters ay nagkaroon na nag pagkakaintindihan sa loob ng silid aralan. Tahimik pa rin si Yuri at halatang iritable pa rin si Akito. Maingay na muli ang buong klase. Ang tatlong bruha rin ay nakipagkaibigan na kay Risu.

                Sa kalagitnaan ng kasiyahan ay may pumasok sa loob ng room. Galing ang mga ito sa student union, nagdikit sila ng poster na nagsasaad ng mga balak sa school festival ng school at kung ano ang balak gawin ng kanya-kanyang mga section.

                “School festival?” Tanong ni Rexielle.

“oo Kihori, ito ay ang indibidual na pagsasagawa ng mga section ng kanilang plano sa loob ng 3 araw. May isang linggong preparasyon.” Sabi ng isang lalaking kamag-aral.

               

“tama ka. Maraming maraming pagkain dun Kihori-kun.” Pagsang-ayon naman ng ibang kamag-aral.

“pagkain?!” lumiliwanag na mata ni Rexielle.

               

“Teka ano bang gusto mong mangyari, Kihori-kun?” tanong ng isa pang kamag-aral. Napatingin si Kihori sa may gawi ni Suiji.

“kahit ano, basta ang premyo… ay halik galing sa gusto nyang tao.”pagbanggit nito.

               

Napamulahan ng mukha ang lahatat nagsigawan sa tuwa, naiirita nanaman si Suiji. At si Akito naman ay nakakahalata na.

[YGA] Your Guardian Angel [COMPLETED]Where stories live. Discover now