Kabanata 33

1.2M 32.2K 16.8K
                                    

Kabanata 33

Some Opportunities

Nasulyapan ako ni Noah habang nag s-strum siya ng gitara. Pagkatapos ay hinubad niya ang leash ng gitara at bumaba ng stgae. Nagulat ako sa kanyang ginawa. Kumalabog ang puso ko habang sinusundan ko siya ng tingin. Nakaawang ang bibig ko habang nangingiti naman ang mga kasama ko doon. Lumagpas si Noah sa mga upuan namin at dumiretso sa gitna ng hall para salubungin ang kararating lang na si Coreen.

"I missed you!" Halakhak ni Noah tsaka hinawakan ang baywang ni Coreen, binuhat at inikot na parang ngayon lang ulit sila nagkita sa loob ng ilang taon.

"Sila na ba talaga?" Ngiwi ni Thea.

"Parang..." Malungkot na sagot ni Mara habang sinusulyapan ako.

Pinilit kong ngumiti habang pinapanood silang dalawa. Nahagip kami ng tingin ni Coreen at pansin ko ang pamumula ng kanyang pisngi. Noah can make her blush, alright. Now, what, Rozen? Mukha namang may gusto parin si Coreen kay Noah. Siguro ay may mga bagay lang talagang hindi namamatay, tulad na lang ng pakiramdam ko para sa kanya. But then you can always murder it, kaya mamamatay rin ito.

Yumakap din si Coreen sa kanya at hindi ko nasundan ang sinabi. Nag iwas ako ng tingin sa dalawa.

"Goodluck kiss naman diyan!" Sigaw ni Warren habang pinupulot ang drumstick ni Joey.

"Heh!" Nangingiting sigaw ni Coreen pabalik.

Pinuno sila ng kantyaw sa tatlong natira doon sa stage. Tawang tawa pa si Liam sa naging reaksyon ni Coreen.

"Sige na, please?" dinig kong suyo ni Noah na siyang ikinagulat ko.

Nanlaki ang mga mata ko at agad bumaling sa kung saan sila nakatayo. Pulang pula ang pisngi ni Coreen, hindi makatingin sa makising na Elizaldeng nasa harap niya na nanghihingi ng halik.

"Meg..." Bulong ni Wella.

Hindi ako kumibo. Nanatili ang titig ko sa kanila. Hinintay ko ang halik ni Coreen para kay Noah. Pinanood ko kung paano lumapit ang mukha ni Noah kay Coreen at kung paano sinalubong ng pisngi ni Coreen ang labi ni Noah. Mukhang sasabog ang mukha ni Coreen sa sobrang pula pagkatapos ng halik. Sumipol si Liam at halos pumalakpak si Joey sa tuwa.

Tinakbo pabalik ni Noah ang distansya ng kinatatayuan nila ni Coreen at ang stage. Unti unti namang naglakad si Coreen sa red carpet, patungong harapan. Lumilinga siya at naghahanap ng maaaring upuan. Kahit na sa dami ng upuan ay nakita kong hindi siya makapag desisyon kung alin don ang uupuan niya.

"Coreen!" Tawag ko sa kanya.

"Meg?!" Dinig ko ang iritasyon sa boses ni Wella. Nagpoprotesta sa pag tawag ko kay Coreen.

"Oh my God, Well. This is not a good idea. This is not..." Ani Thea.

"Meg, ba't mo siya tinatawag?" Tanong ni Wella ngunit nginuso ko na ang upuan sa dulong tabi ko para doon na siya maupo.

Pumanhik naman si Coreen at nakita ko ang kaba sa kanyang mukha. If you think I am going to bitch about you and Noah, think again. Hindi ako pinalaking ganon ng mga magulang ko at isa pa, hindi ko pag aari si Noah. Hindi ko ipaglalaban ang mga bagay na hindi naman akin. Ang pinaglalaban ko noon ay ang sarili ko. Dahil mahal ko si Noah kaya pinaglalaban ko ang nararamdaman ko.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon