Kabanata 56

1.2M 32.5K 19.9K
                                    

Kabanata 56

Be My Wife

Ngumisi lang ng husto si Diva sa tanong ko. Mabilis ang pintig ng puso ko at nanginginig ang kamay ko habang binalik ang atensyon sa cellphone para ma-dial ang numero ni Noah. Napatingin ako kay Diva habang dinidinig sa aking cellphone ang pagri-ring ng kabilang linya.

"I've been Noah's friend for a quite long time, Meg. Kung gusto mong kumpirmahin ay pwede mo siyang tanungin." Aniya at bahagyang hinaplos ang aking upuan.

Hindi sumasagot si Noah kaya ni dial ko pa ulit ang kanyang numero. Come on, Noah! Pick it up!

"Sinasabi ko lang na pag isipan mong mabuti. Do you really know Noah Elizalde?" Nanliit ang mata ni Diva sa akin.

"I've known him and love him ever since, Diva. Kung iyan ang gusto mong malaman." Nanginig ang boses ko ngunit nagsikap akong magpakatatag.

Hindi parin sinagot ni Noah ang kanyang cellphone. Binaba ko ang aking cellphone at tiningnan para makapag text man lang. Sana ay mag reply na siya this time.

"I hope so... Make sure you're not his rebound. Make sure you're not his last resort. Make sure you know everything." Ani Diva bago niya hinawi ang kanyang buhok at tumalikod.

Napalunok ako habang tinitingnan siya palabas ng suite. No, Megan. No one can shake your faith. Nothing can...

Tiningnan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Inisip ko lahat lahat ng sakit na indinulot ko kay Noah at lahat ng sakit na idinulot niya rin sa akin. I need to forgive. He's forgiven me. Inisip kong sinabi ni Diva na bakit tsaka niya lang ako niligawan nong magpapakasal na si Coreen. Ganon ba kasakit na hindi niya kayang walang panakip butas? Pisikal na sakit ang naramdaman ko sa aking puso.

Ano nga ba ang nasa isip ni Noah?

"Miss Marfori, tara sa labas. Mag pi-pictorial muna tayo." Ngiti ng photographer habang nakakunot pa ang noo ko.

Huminga ako ng malalim at pumayag na.

Pilit na ngiti ang ibinalandra ko habang kinukuhanan nila ako ng picture. I feel so damn fucked up. Sa likod nitong maganda kong gown at mukha ay para akong bulkan na kaonting kalabit na lang ay maaari nang sumabog.

"Nice one, Megan!" Anang photographer habang ginagawa ko ang seryosong pose na kanyang dinirekta.

"The party's in five minutes. Wrap up na kayo." Sabi ni Hugo, pagkarating niya roon. Luminga pa siya na parang may hinahanap.

"Okay na. Sa pagbaba niya naman." Sabi ng photographer.

Nang nakawala ako sa kanila ay mabilis kong nilapitan si Hugo kahit na dalawang artist ang lumapit sa akin para ayusin ang make up ko at ang damit ko.

"Hugo, what's wrong? Anong problema kanina?" Tanong ko, natataranta.

Umirap siya. "Just an old picture, Meg. Old picture of Diva na kumalat sa internet. That's the problem with publicists. Minsan kahit ano na lang talaga-"

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon