Kabanata 37

1.3M 35.1K 21.7K
                                    

Kabanata 37

I'm Sorry

Tahimik akong pumasok sa sasakyan. Nakita ko ang pagkakakontento ni Noah sa pagpasok ko. Kinuha niya ang kanyang t shirt at tinupi ng maayos. Pinapanood ko siya galing sa driver's seat at medyo kumalam na naman ang aking sikmura. Fries lang ang kinain ko kanina at may burger pang natira. Ginugutom na ako kaya kakailanganin ko ito. Hinubad ko ang jacket at nilagay sa front seat. Ngayon ay naka sleeveless black top na lang ako at mas presko ang pakiramdam.

Bumaling ako kay Noah at nilahad sa kanya ang burger. Inisnab niya ito kaya binuksan ko na lang.

Binuksan niya ang likod ng pick up at may kinuha siya doong bote ng tubig. Nakakabingi ang katahimikan naming dalawa. Ang tanging naririnig ko ay ang pag nguya ko sa burger. We can just stay silent the whole time, right? Wala naman kasi kaming dapat pag usapan.

Sinarado niya ang pintuan sa likod at nakita kong may dala siyang throw pillow. Ngumuso ako at bahagyang sinarado ang pintuan ng driver's seat. Patay ang sasakyan at medyo umiinit na sa loob. Uminom na lang ako ng coke na puno ng yelo.

Nang biglang kinatok ni Noah ang salamin ay halos napatalon ako. Binuksan ko ang salamin at nagtaas ng kilay.

"Dito na tayo sa labas mag hintay. Mamamatay ka sa init diyan," aniya at hindi na ako hinintay na umangal pa dahil bumalik na siya sa pwesto niya doon sa likod ng pick up.

Hindi ako gumalaw. Sa halip ay maliliit na kagat ang ginawa ko sa double cheeseburger na kinakain at nag iisip kung paano uubusin ang calories non sa pag g-gym. Nang medyo pinagpawisan ang noo ko ay doon ko pa lang naisipang buksan ang pintuan. Pagkabukas na pagkabukas ko ay narinig ko kaagad ang sipol ni Noah galing sa likod.

"Ang tigas talaga ng ulo kahit kailan..." Aniya.

Nilingon ko siya doon at nakita ko kung paano siya umuupo sa likod ng pick up. He's still topless though. Lintik! Ano ba ang gusto niyang mangyari? Mag tabi kami doon sa likod? Are you kidding me, Elizalde? You hate me so much! You even want me gone! Kaya nga nandyan si Coreen diba? Kaya nga kinakasama mo siya? Hindi ko talaga maintindihan. I was damn sure that a part of him is still into me pero hindi na ako pwedeng umasa don dahil sa sakit na idinulot niya sa akin. No, I deserve better. Kahit na sinaktan ko siya noon ay alam ko paring hindi na tama ang pakikitungo niya.

Kinagat ko ang labi ko at uminom ulit ng coke. Lumabas ako ng sasakyan at naglakad lakad sa damuhan. Umihip ang malakas na hangin galing sa dagat at inaamin kong maginhawa sa labas kumpara sa loob.

Hindi ako lumapit sa kanya. Imbes ay nanatili ako sa naka sementong maliit na haligi sa gitna ng buhangin at daan. It's relaxing. May kaonting ilaw doon malapit sa dagat at iilang ilaw din ang makikita mo sa malayo. Wala nga lang tao dahil siguro ay madaling araw na.

"You think Stan would come?" tanong ko nang di siya nililingon.

"Tingin mo ay hahayaan ka nI Everlyse na kasama ako?" tanong niya sa akin pabalik.

Ngumuso ako sa tanong niya. Ano ang ibig sabihin niya don? Siguro ay naalala niya ang nangyari sa bar at kung anong galit ang ipinakita ni Everlyse sa kanilang lahat dahil sa paninisi sa akin. Humarap ako sa kanya.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon