Wattpad Original
There are 7 more free parts

01

202K 2.7K 209
                                    

"LEAN, wait for your brother later, okay? Pupunta kayong Sweet Desire mamayang hapon. Don't you dare leave alone." Napalingon ako nang magsalita si mommy na nakatayo sa may pinto ng kwarto ko habang nakatingin sa akin.

Hindi ko mapigilan na hindi mapasimangot dahil na rin sa sinabi nito. Summer vacation ngayon at nasa loob lang ako ng bahay, kaya naman bagot na bagot na ako.

"We're really going out later, Mommy?" tanong ko sa kanya na naniniguro habang hawak ang cellphone ko at nananatiling nakaupo sa kama. My life and my whole summer vacation revolved around my phone, my laptop, and internet connection. Wala na yata akong ibang ginawa ngayon kung hindi ang mag-scroll sa mga social media accounts ko at maghanap ng kung anu-ano sa internet para lang libangin ang sarili ko.

Goodness, I am so bored!

Gustung-gusto ko nang lumabas ng bahay namin, pero wala naman akong kasama ngayon. Nagbabakasyon si Caryl kasama si Kuya Cloud, si Kiro ay isinama ni Tito Cupid sa China, sina Alyanna at Cherinna naman ay pumunta sa New York kasama si Jahann para bisitahin ang lolo at lolo nila sa side ni Tito Kerko. Kami lang ng kambal na Dela Cruz at si Theon ang naiwan dito, at sobrang sakit ng ulo ko dahil kay Keij at Theon. Mabuti nga at matino pa sina Kol at Enzo at hindi katulad ng dalawang iyon.

My mom smiled as she walked towards me and sat on my bed. "Why? What's wrong, sweetie?" tanong niya sa akin at hinaplos ang buhok ko.

Umiling ako at sumandal bago napabuga ng hangin. "I'm just really bored, Mommy. Si daddy, ayaw naman akong payagan na lumabas kapag hindi ko kasama yung mga gago na 'yon..." Napatingin ako sa kanya at natigilan. I saw her smile at the word I used. Napangiwi ako. "I mean..." I sighed and leaned on the headboard.

Hindi kasi ako maintindihan ni daddy, e. Lalabas ako, pero hindi naman pwede si Enzo dahil tumutulong ito sa kanya sa Blue's Haven. Natural na sina Keij at Theon ang makakasama ko at wala na silang ibang pinag-usapan pa kung hindi ang babae. Hindi naman iisang beses ko silang nakasama na pinag-uusapan nila kung ano ang masarap na posisyon sa kama! Those assholes!

"I understand, those boys can really be a pain in the ass just like their dads," natatawa na sabi ni mommy na ikinalingon ko rito at ikinangiti ko nang bahagya. Alam ko namang normal na asaran na lang kina mommy at maging sa mga tito at tita ko ang ganoon. Best friends ng daddy ko ang daddy nina Caryl, Theon, at Kiro. Best friend naman ng mommy ko ang mommy nina Keij at Kol na si Tita Zyline, kaya noon pa man ay magkakilala na kaming lahat.

We all practically grew up together.

I just couldn't really wait for classes to start again, or for any of them to come home. Sobrang nabubulok na ako rito sa bahay namin. Hindi naman ako marunong magluto kaya hindi ako makatulong sa mga gawain dito. Hindi naman din ako pinipilit nina mommy, she once told me I should really relax and rest from a school year that was full of stress.

Pero nakakabagot na rin kasi talaga.

"Hon, are you ready?" Sabay kaming napalingon ni mommy nang sumilip si daddy sa kwarto ko. May lunch date silang dalawa ngayon kaya naman maiiwan na naman akong mag-isa rito sa bahay. Kahit kasi narito ang kakambal ko, para pa rin naman akong mag-isa. Enzo was nowhere to be found, he was probably somewhere reading something or doing some paperwork for daddy. Sa aming dalawa, siya naman talaga ang business-minded na bata pa lamang. Siya lang din naman ang tine-train talaga ni daddy para sa bagay na iyon, alam ko naman din na siya talaga ang inaasahan ni daddy tungkol doon.

He didn't trust me much when it came to those matters. Wala naman ding kaso sa akin ang tungkol doon, si Enzo naman talaga ang may gusto roon.

He was the responsible one.

Tempted to TouchWhere stories live. Discover now