Wattpad Original
There are 5 more free parts

03

64.1K 1.8K 110
                                    

I was busy checking my closet and choosing the right clothes to wear today. It was almost eleven AM and I just finished taking a bath. Hindi pa rin ako nakakapag-almusal dahil anong oras na ako nakatulog at late na akong nagising. Alyanna and I were talking last night and we didn't notice the time, so we ended up sleeping at four AM. Medyo marami kasi siyang kwento sa akin tungkol sa bakasyon nila.

"Ugh! Wala akong mapili!" nauubusan na ng pasensya kong sabi. May mahigit dalawampung damit na yata ang nasa ibabaw ng kama ko, ngunit hindi pa rin ako makahanap ng isusuot ko. I was battling between wearing a pants or a dress.

Pinagmasdan ko ang mga damit ko.

"Bahala na!" I picked my off-white dress and wore it. I did my own makeup after. Kung mayroon man akong maipagmamalaki sa ngayon, iyon ay ang galing ko sa pagme-makeup. My mom taught me. Isa sa mga nagiging bonding namin minsan ni mommy ang pag-aayos sa sarili. Mahusay ko namang natakpan ang eyebags ko kaya hindi na mahahalatang kulang ako sa tulog.

May usapan kaming magkikita para sabay-sabay na magtanghalian na lang. Kanina ay kinatok na ako ni Enzo kaya naman alam kong handa na ito, isa pa ay hindi naman tinatanghali ng gising si Enzo. Nagpunta lamang ito kay daddy para magpaalam na ngayon kami mag-e-enroll.

Bumaba na ako agad nang matapos ako. Si mommy ay nasa Cyan's na. Iyon ang wellness spa na pagmamay-ari ni mommy na pinamana sa kanya ni lola. Madalas na nagpupunta rin kami roon ng mga kaibigan ko.

Nakita ko naman ang pagbaba na rin ni Enzo kaya nauna na akong lumabas ng bahay namin, sumunod naman ito at dumiretso sa sasakyan kaya sumampa na rin akong papasok doon.

"Where are we going to meet them?" I asked Enzo after I put on my seatbelt. Kinuha ko naman ang isang chocolate bar sa sasakyan nito at binuksan iyon para kainin. Laging may stock ng chocolates si Enzo sa sasakyan para sa akin.

"At the restaurant outside the school. They just opened their branch and Theon said we should try it," sagot naman ni Enzo habang seryosong nagmamaneho. I rolled my eyes when I heard the name he mentioned.

"Bakit pagbibigyan natin 'yon? E 'di kumain siya mag-isa do'n kung gusto niya," sagot kong nakasimangot. Naiinis pa rin ako kay Theon sa sobrang pang-aasar nito sa akin, kahit nga wala na akong ginagawa, papansin pa rin siya. Parang goal niya araw-araw na mabwisit ako.

"They all agreed. If you want, you can eat in a different restaurant." Nilingon ako ni Enzo at ngumiti nang tipid.

Mas lalo naman akong napasimagot. "I hate you." Umirap ko sa kanya.

Enzo was really like our daddy, at maging sina Tita Stephanie ay iyon ang sinasabi. Kuhang-kuha raw ni Enzo kung paano si daddy noong kabataan nito. Sinasabi naman nila na para akong mommy ko at para sa akin, compliment ang bagay na iyon. My mom was really beautiful and I considered her as my role model. Sa unang tingin ay mukhang masungit ito, pero hindi alam ng marami na napaka-sweet ni mommy at napakabait.

Ilang sandali pa ay inihinto na ni Enzo ang sasakyan. Agad kong napansin na naroon ang sasakyan ni Kol at ni Jahann tanda na naroon na rin ang mga ito. Malamang ay sumabay na naman sina Keij at Theon kay Kol. Mabilis akong bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob.

"Lean, here!" Nakita ko ang pagkaway sa akin ni Alyanna. Ngumiti ako sa kanya at agad na lumapit. Katabi nito si Cherinna at kasama na rin nito sina Jahann, Kol, at Keij. Napakunot naman ang noo ko nang mapansin na wala si Theon doon.

Naupo ako sa bakanteng silya sa tabi ni Alyanna, pumasok naman na rin si Enzo at naupo sa tabi ni Kol. Si Keij ay abala sa kausap nito sa text.

"Are we going to the mall later?" I asked Alyanna. Since I was really frustrated earlier, I decided to go out today and buy new clothes.

Tempted to TouchWhere stories live. Discover now