Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

02

82K 1.9K 180
                                    

"WHAT'S wrong, Lean?" tanong ni Tita Cristine sa akin nang lumapit ito at inilapag ang cheesecake at mocha frappe sa lamesa na naroon. Ngumiti naman ako nang matamis dito matapos akong tumayo at humalik sa pisngi niya. Sila na rin ang mga tumatayong mga pangalawang magulang namin dahil sa sobrang close ng pamilya naming lahat. Halos sa lahat na nga yata ng mga okasyon ay nagkakasama ang mga pamilya namin.

"Wala, Tita. Thank you po," sagot ko rito. Madalas kaming naroon sa Sweet Desire, kung minsan ay tumutulong din kami roon kung may mga event sila o 'di kaya ay may mga customer na nagrerenta sa lugar para sa mga ito. Kaming dalawa ni Alyanna ang naka-assign sa pagpaplano at pagho-host, si Cherinna naman ang tumutulong kina Tita Steph sa pagbe-bake at pagluluto. Si Caryl naman ang namamahala sa mga bisita habang ang mga lalaki, pagwapo lang—well, sina Keij at Theon lang ang gano'n naman kung tutuusin.

"You miss them already?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako dahil alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya. Ilang beses na rin naman kasi kaming nagpupuntang apat roon na kami lang at ilang beses ko nang nasabi kay Tita Cristine na nami-miss ko na ang mga ito. Patapos naman na ang bakasyon kaya alam kong pabalik na rin ang mga walanghiyang iyon. Ngumiti naman siya sa akin bago pinisil nang marahan ang pisngi ko at nagpaalam na may aasikasuhin lang muna.

Napalingon naman ako kay Theon nang lumapit ito sa amin.

"Tita Cristine, you're looking good." He smiled at her and kissed her on the cheek, too. "What's your secret? Turo mo kay Lean para gumanda naman 'yan," muling sabi ni Theon na hindi nawawala ang ngiti sa mga labi. I mentally rolled my eyes. Kapal talaga ng mukha nito, akala mo kung sinong gwapo.

"Hay nako, Theon. Manang-mana ka talaga sa tatay mo," natatawa na sabi ni Tita Cristine. Napaismid naman ako sa lalaki. Kahit kailan talaga, napakagaling ng walanghiyang 'to. Masyadong mabulaklak ang bibig, kaya maraming babae ang humahabol sa kanya, e. Hiling ko talaga na tamaan ng karma ang walanghiyang 'to para naman makabawi man lang ako sa lahat ng pang-aasar at pambu-bully niya sa akin.

"Oh, siya. I still need to check a lot of papers, magpapadala na lang ako ng merienda mo," sabi nito kay Theon bago naglakad papalayo sa amin. Naupo naman si Theon sa silyang katapat ko, tumingin siya sa akin kaya naman muli ko siyang inirapan.

Kanina ko pa gustong burahin ang picture niya sa Instagram account ko pero s-in-end niya sa akin ang picture kong natutulog habang bahagyang nakabuka ang mga labi. Kuha iyon noong minsang magpunta kaming lahat sa Batanes. Sa sobrang antok ko'y nakatulog ako at sinamantala naman iyon ni Theon para kuhanan ako at gamitin sa akin ngayon na pam-blackmail. Kung bakit ba naman kasi nagtiwala ako at nagpabaya, hindi ko rin alam.

"Kanina ka pa nakasimangot. Problema mo, payat?" tanong ni Theon bago kinuha ang frappe ko at inumin iyon.

"Ano ba? Akin 'yan, e!" asik ko rito at pinanlakihan ito ng mga mata. Hindi naman ako pinansin ni Theon, sa halip ay lumingon-lingon ito sa paligid ng Sweet Desire, para itong naging bingi sa reklamo ko. Hindi na lang hinintay ni Theon ang pagkain nito, nang-agaw pa ng sa akin!

Lumingon na lang din ako sa paligid kahit masama ang loob ko. Malaki ang pinagbago ng lugar ngunit naroon pa rin ang pakiramdam noong unang punta ko na may isip na ako. Mas lumawak iyon at mas naging homey. Sabi nga nina mommy sa amin, marami na raw love story ang nabuo sa Sweet Desire. Hindi naman din nakakapagtaka ang bagay na iyon dahil ang mga mismong may-ari ay masaya ang buhay may-asawa.

"Ang epal mo talaga, alam mo 'yon?" I just leaned on the chair and crossed my legs. Hindi ko tuloy maiwasang magsisi ngayon kung bakit ba hindi ako nakikipagkaibigan sa school, pero hindi ko rin naman kasalanan ang bagay na iyon. They didn't want to be my friend. They always say I looked inclement. It wasn't my fault that I'd inherited my mom's intimidating look. I tried talking to some of my classmates but they were aloof. Sila pa nga ang aloof kaysa sa akin, e, tapos sinasabi nila na ako ang masungit kahit hindi naman talaga. Hindi lang ako kumportableng makipag-usap sa iba.

Tempted to TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon