Wattpad Original
This is the last free part

08

65.6K 2K 267
                                    

NAUNANG dumating sina Alyanna kaysa kay Enzo sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ko alam kung saan ba pumunta si Enzo kanina at hindi naman na ako nagtanong. Hindi ko na rin nakausap si Theon dahil bumaba ito nang ayain ni Keij. Hindi ko pa rin naman maintindihan kung paano nitong nalaman ang tungkol sa audition ko at sinabi nito na nanuod ito. Hindi naman ito basta-basta makakapasok sa loob ng theatre kung wala itong business doon.

"Hey, what's wrong?" Alyanna asked me when she noticed that something was bugging me. Parehong light drinks lang ang iniinom naming dalawa. We were all allowed to drink, but our parents always reminded us not to drink too much. May pagkakataon na nasobrahan kami sa pag-inom kaya naman nag-check in na lang kaming lahat sa hotel para walang uuwi. As usual, si Kol, si Jahann, at si Enzo ang nagpaliwanag sa mga magulang namin.

Umiling naman ako kay Alyanna bago uminom sa hawak kong baso na may laman ng alak. Naiisip ko pa rin kasi talaga si Theon at ang sinabi nito.

He was right. I passed the audition. Kanina, gusto kong sabihin iyon nang magkakasama na kami kaya hinintay ko sila na dumating na muna pero ngayon, hindi ko alam kung saan galing ang naiisip ko na baka naman may kinalaman si Theon.

What if Theon talked to some people and they just said yes because of him? Paano kung hindi naman talaga ako dapat makakapasok pero nakapasa ako dahil kay Theon?

"Kanina ka pa tahimik kaya," kumento nito sa akin. Nasa VIP room pa rin kaming dalawa kasama sina Jahann, Kol, at Cherinna. Enzo was somewhere down the club. Since dad was training him to manage this club too, he was studying how to run the business. Hindi lang naman ito ang branch ng Blue's Haven kaya naman marami ring inaasikaso si Enzo maliban sa pag-aaral nito.

"I'm just tired, Aly," sagot ko na lang sa kanya. Mukha namang naniwala siya sa sinabi ko kaya tumango na lang siya sa akin. Bumalik naman ako sa upuan at naupo sa tabi ni Cherinna. Nag-uusap si Jahann at Kol tungkol sa Summer's. Kung mayro'n namang inaasikaso si Kol maliban sa pag-aaral, iyon ay ang Summer's—ang supermarket na pag-aari naman ng pamilya nila, habang si Jahann ay busy maging isang photographer sa Ai's. Katulad ni Tito Kerko ay nahilig din si Jahann sa photography.

"Guys, baba naman tayo!" aya ni Alyanna sa amin nang mainip na siguro itong manuod lang mula sa salaming pader na naroon. Nagkatinginan naman ang tatlong nandoon na parang iniisip kung sasama kay Alyanna o hindi.

Naunang tumango si Cherinna. "Sige, baba na tayo, Aly," sabi nito nang hindi nagsalita si Kol at si Jahann. Tumayo naman na ito kaya tumayo na rin kami ni Alyanna para bumaba.

"Wait." Napalingon kami nang tumayo na rin si Jahann mula sa kinauupuan nito. "I'll go with you." Lumakad siya papalapit sa amin at sumabay ng bumaba. Nagpaiwan naman si Kol na may inaasikaso pa sa laptop na dala nito.

Maingay nang makababa kami. Malakas ang tugtog at maraming tao. Karamihan ay kasing-edad lang naman namin. It was kind of normal since it was Friday night. Walang pasok kinabukasan kaya naman nagliliwaliw ang mga tao at nagkakaroon ng night out.

I smiled when Aly pulled me to the center. Marami ang sumasayaw kaya naman nakisali na kami sa mga ito.

May mga nakakabangga sa amin pero hindi naman namin ginagawang big deal ang bagay na iyon, ganoon naman madalas. We just continued to move without any particular steps. Hindi namin mapigilan ni Aly na matawa. Hindi maiwasan ang mga pagkakasiksikan ngunit wala namang nangyayaring hindi maganda kaya nagpatuloy lang kami sa pagsayaw.

Naisip kong mainam na rin na magsayaw ako para naman maalis muna sa isip ko ang mga bagay-bagay.

We danced with the people around us. Alam kong safe naman ang bar ng daddy ko kaya walang problema kahit pa magsayaw kami. I was dancing with a guy and he was kind of cute, actually. I think we were just the same age. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa ilaw ng bar o dahil medyo nahihilo na ako sa pagsayaw kaya ang gwapo niya sa paningin ko. Hindi pa naman din marami ang nainom ko kaya alam kong hindi ako lasing.

icon lock

Show your support for Mims, and continue reading this story

by Mims
@vampiremims
Lean De Guzman has long since wanted to free herself from living in t...
Unlock a new story part or the entire story. Either way, your Coins help writers earn money for the stories you love.

This story has 72 remaining parts

See how Coins support your favorite writers like @vampiremims.
Tempted to TouchWhere stories live. Discover now