Wattpad Original
There are 2 more free parts

06

55.4K 1.6K 56
                                    

It was our first day of class. Ni hindi ako makaramdam ng excitement sa pagpasok namin ngayon, para lang iyong isang normal na araw para sa akin. Kinatok naman ni Enzo ang pinto ng kwarto ko dahil sabay kaming papasok. Parehong eight AM ang unang klase naming dalawa.

"Bakit ka ba nagmamadali? Maaga pa naman, wala naman ding prof madalas kapag first day," sabi ko kay Enzo habang nag-aalmusal kami dahil kanina pa niya ako sinasabihan na kumain nang mabilis. Kumakain din ito ng tinapay. Kaming dalawa lang ang nag-aalmusal dahil may breakfast meeting si daddy kasama sina Tito Thunder. Si mommy naman ay nagpunta sa Australia noong isang araw para dalawin si lola.

"Don't you want to change this year? Let's say...this year, you should try to be on time?" he said, and then rolled his eyes when I didn't say anything. "Just eat quickly."

"Fine!" inis kong sabi bago tinapos ang pagkain at uminom. Nagpasalamat naman ako sa kasambahay namin nang ibigay nito sa akin ang bag ko.

Tumayo na rin si Enzo at kinuha ang sariling bag. "Let's go," aya nito sa akin na nauna ng lumakad. Sumunod na lang ako habang hawak ko ang cellphone ko.

Dahil hindi pa rin naman ako pinapayagan ni mommy na mag-drive ng sarili ko, kay Enzo pa rin ako sasabay sa pagpasok. I got inside his car and leaned on the seat. Kung pwede lang sanang ma-extend pa ang bakasyon, mas masaya. Makakapaglibot pa kami nina Alyanna sa mga beaches na malapit lang sa city.

Napasimangot ako bago humigit nang malalim na buntonghininga nang umalis na kami ng bahay. I just fished out my phone again and started scrolling. Nag-text na sa akin si Alyanna na magkikita-kita na lang kaming lahat sa may parking lot dahil sabay-sabay naman ang klase namin. Kahit naman hindi sabay-sabay ang klase namin, magkikita at magkikita pa rin kaming lahat ngayon.

Itinabi naman ni Enzo ang sasakyan sa sasakyan ni Kol na naroon na nang dumating kami. Nauna na akong bumaba dahil nakita kong naroon na rin sina Caryl at Kiro.

"Caryl!" Agad akong tumakbo papalapit sa kanya. I just missed her so much. Kung close kami ni Alyanna, mas close kaming dalawa ni Caryl talaga dahil kami naman ang mga naunang maipanganak. Kumbaga sa aming lahat, si Cherinna at Alyanna ang mga bunso. Napalingon naman ako kay Kiro. "Hi, Kiro." I smiled at him.

"Mas lalo kang gumanda, ah?" nakangiting sabi nito. Galing itong China kasama si Tito Cupid. Dalawa sila ni Caryl na incoming seniors na kaya naman alam naming mas magiging busy na ang dalawa ngayon dahil sa mga seminars at OJT na gagawin nila.

"That's what I like the most about you, Kiro," sagot ko naman sa kanya. He was like an older brother to all of us, kahit pa nga hindi naman ganoon kalayo ang agwat ng edad namin sa kanya, para na rin siyang si Kuya Cloud kung ituring naming lahat.

"So, what happened while I was away?" tanong ni Caryl sa akin habang hinihintay pa namin sina Keij at Theon na nagsabay raw pumasok sabi ni Kol.

"Ay nako, Ate Caryl, buong summer nag-fan girl si Lean kay Kevyn!" kwento ni Alyanna at natawa naman ako. Kilala naman ni Caryl si Kevyn dahil lagi kong kinukwento sa kanya ang lalaki.

She smiled and looked at me. "Si Kevyn pa rin ba? Wala ka bang nahanap na iba habang summer?" pang-aasar nito sa akin. I rolled my eyes. Paano naman akong may mahahanap na iba kung panay mukha naman nina Keij at Theon ang nakikita ko?

I shook my head. "Alam mo namang si Kevyn ang gusto ko," sagot ko sa kanya. Natawa naman siya sa akin. Napalingon ako kay Kiro at napangiti ako nang makita ko kung paano siya kung tumingin kay Caryl. Hindi naman lingid sa kaalaman naming lahat na gusto ni Kiro si Caryl, 'yon nga lang, malinaw rin sa amin na hindi katulad ng pagmamahal ni Kiro kay Caryl ang pagmamahal ni Caryl dito. To her, he was just like a brother.

Tempted to TouchWhere stories live. Discover now