Wattpad Original
Há mais 1 capítulo gratuito

07

54.6K 1.8K 138
                                    

MAG-ISA lang ako sa cafeteria habang hinihintay ko si Alyanna. Kaming dalawa lang ang parehong may free time nang eleven AM kaya naman sabay na kaming kumakain. Kung minsan naman ay bigla na lang sumusulpot sina Theon at Keij dahil walang klase ang mga ito o kaya naman ay mga nagpapaalam sa professors nila para lumabas.

Madalas naman din kasi na magkakasama kami pagkatapos ng klase. Higit lalo ngayon na narito na rin sa school sina Cherinna at Alyanna, simula nang magsimula ang klase, lagi na kaming nagkikita bago umuwi. Pero mamaya, hindi na muna ako sasama sa kanila.

Mamaya na ang audition sa drama club. I signed up last Monday before we went home. Kung bakit ay hindi ko na rin alam. Hindi ko rin sigurado kung may kinalaman ang sinabi ni Theon sa akin noon na bagay ako roon o wala, pero noong araw na iyon, naging desidido ako na sumali sa kanila.

"Hi!" Naupo sa tapat kong upuan si Alyanna matapos ibinaba ang bag sa lamesa at tumingin sa akin habang nakangiti, pero agad ding nawala ang ngiti sa labi niya habang nakatingin siya sa akin. "What's wrong? Parang ang lalim ng iniisip mo?" tanong niya sa akin.

Umiling naman ako at pilit na ngumiti na lamang. Wala pa akong napapagsabihan ng mangyayari sa kanila. Kahit nga kina mommy ay wala pa akong sinasabi. As much as possible, I wanted to keep it a secret until I get in. Ayoko lang na sasabihin ko sa kanila tapos hindi naman ako makakapasok, ma-di-disappoint lang sila sa akin. Baka isipin pa nila, pinagkalat ko tapos hindi naman ako nakapasok.

"Ha? Hindi, ah. Iniisip ko lang na konti na lang makaka-graduate na rin ako..." I said instead of telling her what was on my mind. Kahit naman kasi kay Caryl na talagang pinakamalapit sa akin ay hindi ako nagsasabi.

Tumango si Alyanna at ngumiti. "Oo nga, e. Konti na lang magiging sobrang busy ka na rin sa OJT mo." Malayong-malayo pa ang OJT sa iniisip ko ngayon. Alam ko naman na late na akong sumali sa club, pero gusto ko lang talagang may magawa naman akong makabuluhan ngayong taon.

"How's modelling at Ai's?" I asked her to divert the topic. Um-order na rin kami ng pagkain para makapagtanghalian na kaming dalawa. Alam ko na patuloy lang naman ang trabaho ni Alyanna roon kahit na may pasok na ito.

Nagkibit-balikat ito. "Okay lang. Wala akong masyadong shoots dahil na rin sa rule ni daddy. Mas madalas pa ngang nandoon si Jahann kaysa sa akin, e," sagot nito. Tumango na lang ako. My mind was really occupied with the audition. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin para mawala ang kaba ko, pinipilit ko na lang na kumain para naman mas lalong hindi ako mahalata ni Alyanna.

"Bakit hindi kayo nag-aaya?" Biglang naupo sa tabi ni Alyanna si Keij at sa tabi ko si Theon. Tiningnan ko naman ito. Kung plano talaga nito na mambwisit ngayon, sana i-postpone na niya muna dahil hindi ko talaga maalis ang kaba sa dibdib ko ngayon. Nilingon naman din ako ni Theon at kumunot ang noo nito.

"Bakit para kang natatae na ewan d'yan?" tanong nito bago inilapag ang bag sa upuang bakante.

"Ang kadiri mo talaga, kita mong may kumakain!" singhal ni Alyanna kay Theon na tinawanan lang nito bago muling tumingin sa akin.

"Problema mo, payat? Huwag mong sabihing may nakaaway ka na agad sa inyo?" tanong nito bago kumuha sa pagkain ko at isubo iyon.

Umiling naman ako at hinayaan na lang siya. Hindi na lang ako sumagot para hindi na lang humaba ang pakikipag-asaran niya sa akin. The last thing I needed now was to start a fight with Theon. Masyado akong maraming iniisip para isipin ko pa si Theon.

"Labas tayo mamaya? Blue's Haven," aya ni Keij sa amin.

Nilingon ito ni Alyanna. "Nagpaalam na ba kayo sa daddy ko?" natatawang tanong nito sa pinsan. Hindi naman kaming lahat pinaghihigpitan ng mga magulang namin, ngunit hangga't maaari kasi ay ipinapaalam namin sa kanila kung may mga lakad kami para naman hindi nabibigla ang mga ito kung nasaan kami. We once went to Ilocos without asking them and we almost got grounded. Kami lang naman kasing mga babae ang naga-grounded.

Tempted to TouchOnde as histórias ganham vida. Descobre agora