Wattpad Original
There are 4 more free parts

04

56.5K 1.8K 117
                                    

"ARE YOU OKAY?"

I looked at Alyanna when I heard her talk. I nodded and smiled a little. Hindi ko maiwasang isipin ang sinabi ni Theon kanina, not that I was affected but...he was really annoying. Dapat hindi ko na iniisip ang lalaking iyon, e. Wala naman akong mapapala sa pag-iisip sa kanya kung tutuusin.

"Look at this, Lean, ang ganda, oh..." Ipinakita sa akin ni Alyanna ang isang pulang bestida na hawak nito.

Tumango ako sa kanya bilang sagot. "That would look good on you," sabi ko sa kanya bago nagtingin-tingin din sa mga mga damit na naroon.

If there was one thing that I was so thankful for in this life, it would be that my mom and my dad spoiled me with the things that I wanted. Alam kong kumpara sa ibang tao, masuwerte na ako dahil sa karangyaang tinatamasa ko sa buhay. Hindi kami pinababayaan ni mommy at daddy, they always say they worked very hard for me and Enzo. In return, mas ginagalingan naman namin—lalo na ni Enzo, ang pag-aaral namin. I wanted to make them proud of me, too, of course.

I smiled when I saw a black dress. Nag-iisa na lamang iyon kaya naman agad kong nilapitan para kunin.

"Lean, can you check this one?" tawag sa akin ni Alyanna kaya naman nilapitan ko na muna siya at tiningnan kung ano ang kailangan nito. Madalas ay kasama namin si Caryl kapag namimili kami, pero dahil hindi pa nakakabalik ito mula sa trip kasama ang kapatid ay kaming dalawa lang ni Aly ang narito. Hindi naman kasi talaga namin maaaya si Cherinna sa mga ganitong bagay. Hindi niya hilig ang hilig namin ng kakambal niya.

"I'll be right back," I excused myself after helping Alyanna choose. Babalikan ko yung itim na dress na nakita ko, nakuha talaga nito ang atensyon ko kaya naman gusto ko talaga na mabili iyon. Napakunot naman ang noo ko nang hindi ko na nakita ang dress sa kinalalagyan noon kanina.

Where did it go? May nakabili na kaya?

May mangilan-ngilan na tao sa store kaya luminga-luminga ako para alamin kung sinong kumuha ng dress na balak kong bilhin. I saw Alyanna who was still busy checking some blouses, at may mga nagtititingin din ng iba pang mga damit doon sa loob.

Mas kumunot ang noo ko nang makita ko ang dress na gusto ko na hawak ng isang lalaki. I looked at him, somewhat familiar to me. Hindi ko maintindihan pero pamilyar sa akin ang bulto ng katawan nito. Agad akong lumapit sa kanya para tanungin kung kukunin ba nito ang dress na hawak.

"Excuse me, I'm buying that dress," sabi ko bago kinalabit ang lalaki. Lumingon naman ito sa akin at ganoon na lamang ang gulat ko nang makita kong si Theon iyon. Nakita ko rin ang gulat sa mukha nito nang makita ako. "What the—? What are you doing here?" Napalakas ang boses ko kaya naman naglingunan ang iba pang customers sa direksyon naming dalawa.

"Why? Is this place yours?" tanong ni Theon sa akin na nakangisi. Inirapan ko naman ito. Kung bakit naman kasi kung saan kami pumunta ay naroon din ang lalaking 'to. Ano rin ba ang balak nitong gawin doon?

Napatingin ako sa dress na hawak ni Theon. "Give me that," utos ko sa kanya habang nakalahad ang kamay.

Kumunot ang noo ni Theon bago itinaas ang kamay at tiningnan ang hawak. He smirked at me. "Why would I do that?" he asked. "I'll buy this one so maybe you should just go and find something else," dagdag pa nito habang nakangisi pa rin sa akin.

"Akin na nga kasi 'yan!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Ano namang balak nitong gawin sa dress na iyon?

Umiling si Theon habang nakangiti pa rin. Inilagay nito ang kamay na may hawak sa dress sa likuran.

"What are you going to do with that dress? Are you going to wear it? Bakla ka ba?" inis na inis kong sabi. I knew that even men could wear dresses, but he was seriously annoying me.

Tempted to TouchWhere stories live. Discover now